Maling akala
Akala ko tayo lamang,
Tayo lamang ang magtititigan ng mga mata at maglalakad sa isang makulay na pasilyo
Pero sa pagkurap ng aking mga mata... Wala ka na
Pilit kitang hinanap sa mundong napakagulo
na tila na guguho
Pero ayun, paglingon, may iba ka na pala.
Akala ko ikaw na nga,
Ikaw na nga na palaging handang sumuporta , at handang magbigay saya
sa makulay man na mundo o puti’t itim na mundo.
Pero sa kabilang banda,
Isa lang pala itong maling akala.
Akala ko hawak kamay natin itong susuungin,
Mga maliliit at malalaking problemang kinakaharap natin,
Sabi ko kapit ka lang at sabay natin itong haharapin.
Pero sa paglingon ko, bumitaw ka na pala at walang kamuwang-muwang na para na pala akong isla na nag-iisa.
Akala ko ikaw, ako, tayo
Tayong dalawa, Palaging masaya at magkasama
Pero simula nang dumating ang pagbabago, pati na rin ikaw ay nagbago
Na humantong pa sa puntong wala na tayo
Akala ko tayo pa rin hanggang sa dulo
Pero bigla ka nalang naglaho,
Na parang bula
Na parang walang mga alaalang nagawa
At nang dahil sayo ay natuto ako,
At ngayon, handa na kitang bitawan
handa na kitang pakawalan
handa na kitang kalimutan
At higit sa lahat
Salamat.
Salamat sa mga masasaya at malulungkot na alaala mo.
Salamat dahil tinuruan mo ko
kung paano maging matapang,
kung paano maging matatag na sing tatag ng punong narra
Na kahit tag-araw, ulan o bagyo
Di kayang mapatumba.
Pero hanggang dito nalang tayo.
Baka nga di talaga tayo para sa isa’t isa
na noong una palang akala ko Tayo na.
Pero hindi pa pala.
Salamat.
Minahal kita nang lubusan
Naguumapaw at tagus-tagusan
sa puso at sa isipan
Sa alaalang minsan natin nabuo
na unti-unti nang nagbabago
at malapit ng mawala
na parang bula.
Imumulat ang mga dating pikit na na mata
Makikita ang liwanag ni amang araw
Magigising ka nalang sa umaga
Na lahat lang pala iyon
ay isang maling akala.
Ito nalang ang huling mensahe ko sa iyo
Sa aking tulang ito
Malaya ka na, aking mahal.
“I have never been in a relationship since birth. But i made this Spoken word Poetry for her. I just want to voice out what’s inside of me, the regrets, chances and even more. I wish that you’ll get a chance to read this.”











