Yung pag-ibig na pinangako mong walang hanggan, yun pala, may hangganan.
seen from Denmark
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Russia
seen from Mexico

seen from Australia

seen from Spain
seen from T1
seen from Argentina
seen from Paraguay

seen from Türkiye
seen from Argentina
seen from Germany
seen from United States
seen from Brazil
seen from United Kingdom
seen from Japan
seen from China
seen from China
seen from United States
Yung pag-ibig na pinangako mong walang hanggan, yun pala, may hangganan.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Paano pumunta ng PUPQC kung galing ka ng North Caloocan o Bulacan
JEEPNEY:
Step 1:
Sumakay ng jeep na papuntang Cubao, o Litex/Manggahan. Kapag puno na, ‘wag mo nang ipagpilitan pa na ipagsiksikan ang sarili mo dahil masasaktan ka lang. Maghintay ka na lang tutal talent mo din naman ang maghintay ‘di ba? Pero ‘wag ka din masyadong umasa. Tandaan mo na hindi lahat ng hinihintay, dumadating. At hindi din lahat bumabalik.
Step 2:
Kung mapilit ka talaga at sumakay ka pa rin kahit na puno na – yung sumabit ka na lang para makasama ka lang sa biyahe – e ‘di magtiis ka! Ginusto mo ‘yan eh! At saka bago ka kumapit, tignan mo kung matibay at tatagal ba ‘yang kakapitan mo. O ‘di kaya naman e tanungin mo ang sarili mo kung kaya mo bang kumapit nang matagal. Eitherway, masasaktan ka lang kapag ‘di mo alam ang kasagutan sa mga tanong na ‘yan.
Step 3:
Bumaba sa Don Fabian, sa Litex o sa Commonwealth Market. Pwedeng sumakay ng tricycle o maglakad papuntang PUP Quezon City. ‘Yun na ‘yon. Wala nang punchline.
BUS:
Step 1:
Gaya nang sa jeep, sumakay sa bus na may signboard na Cubao, Ortigas, MOA o kahit Coastal Mall o Baclaran. Lahat naman ‘yan pare-parehong dadaan sa Commonwealth. ‘Wag ka nang choosy… pwera na lang kung gusto mong sumakay sa ordinary o air conditioned na bus. Bahala ka. Gawin mo gusto mo. Ganyan naman palagi mong ginagawa eh. Yung gusto mo lang palaging nasusunod.
Step 2:
Kung wala kang masakyan, maghintay ka. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung bakit.
Step 3:
Nakasakay ka nga, pero tayuan naman. Ganon talaga. Sanayan na lang yan. Matuto kang makibagay at lumugar. Kung alam mo naman sa sarili mo na ayaw mo ng ganyan -- na nakatayo ka at siksikan -- eh ‘di dapat hindi ka na lang sumakay. Nag-FX o Taxi ka na lang sana. Ikaw lang e. Alam mo naman yung kung anong tama para sa’yo pero nagpupumilit ka pa ‘rin… kahit mali na.
Step 4:
Tayuan talaga. Kaya kumapit ka. Kumapit ka nang maigi at nang mahigpit. ‘Wag kang bibitaw agad. Ganyan ka naman e. Konting alog lang, konting tagtag lang sa biyahe, bumibitaw ka na agad. Ang hilig mong bumitaw. Talent mo din ba ‘yan?
Step 5:
Kapag nakapagbayad ka na, ingatan mo yung ticket mo. ‘Wag na ‘wag mo itong papabayaan. Kaya ka nawawalan e. Hindi ka marunong mag-dala. Di mo iniingatan. Wala kang pagpapahalaga. At dahil jan, mapapagastos ka pa dahil doble pamasahe at masasayang lang ang pagod mo kakapaliwanag na nagbayad ka na at nawala lang yung ticket mo. Ikaw at ikaw lang din nagpahirap sa sarili mo. Mandadamay ka pa ng ibang tao. ‘Wag ganon.
Step 6:
Bumaba sa Don Fabian, sa Litex o sa Commonwealth Market. Pwedeng sumakay ng tricycle o maglakad papuntang PUP Quezon City. Akala mo may kasunod na hugot? WALA. Ang sakit ba umasa? Ngayon alam mo na ang pakiramdam.
TIPS HABANG NAKASAKAY SA JEEP O SA BUS
Una sa lahat, ‘wag mo kalimutang magbayad. Magnakaw ka na ng tingin sa kapwa mo pasahero na gwapings o maganda pero ‘wag na ‘wag mong nanakawan si Manong Driver. Pinakasakay ka na nga, tapos dinala ka pa niya sa pupuntahan mo. Tapos hindi ka magbabayad? Saan ka ba humuhugot ng kapal ng mukha? Ginagawa niya yung part niya. Gawin mo din yung iyo. Parang tayo lang. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko pero binabalewala mo. Hindi mo din ginagampanan yung part mo. ‘Wag kang unfair.
Pangalawa, siyempre gaya ng pagsakay mo sa kahit anong uri ng sasakyan, at sa lahat ng uri ng biyahe, dapat mag-ingat ka. Hindi mo kadalasang kilala yung mga kasama mo. Hindi naman dahil sa wala kang tiwala (pero ganon ka naman talaga palagi, tamang hinala.) Dapat lang na inaalagaan at iniingatan mo yung sarili mo. Wala namang iba pang gagawa niyan para sa’yo kung hindi ikaw at ikaw lang din. Alam mo kung bakit? KASI WALANG NAGMAMAHAL SA’YO. CAPSLOCK NA ‘YAN PARA DAMANG DAMA MO.
At pangatlo, kapag bababa ka na, sabihin mo. Para hindi ka lumampas sa bababaan mo. ‘Wag mong ikimkim. ‘Wag mo kasi sarilihin. Ganyan ka naman palagi e. Ang hilig mo maglihim. Kaya tayo palaging nagkakagulo. Kung may sasabihin ka, sabihin mo. SABIHIN MO NANG MALAKAS. Yung damang-dama. Yung naririnig. Tapos magrereklamo ka pag ‘di ka pinakinggan. Ang labo mo.
Additional:
Feeling mo ba walang nagmamahal sa’yo? Feeling mo walang nagpapahalaga sa’yo? Sumakay ka na lang ng TRICYCLE. Sa halagang P17(17 Pesos), special ka na.
Pero kung bet mo din naman maghintay dahil sakto lang ang pera mo, e ‘di mag-hintay ka ng kasabay.
At kung gusto mong MAGLAKAD na lang, ‘e ‘di maglakad ka! Walang pumipigil sa’yo! Go! Lumakad ka palayo gaya na lang ng palagi mong ginagawa! SIGE!