I've been wanting to write here pero lagi akong tinatamad. Awit. But today, I've found a deep reason to write here.
Here's an update with my life.
Officially, 4th year na ako and I've felt this wanted feeling of fulfillment sa mga accomplishment ko this semester.
I'm the treasurer of the class, sa rami ng bayarin sa school ang dami ko ring hawak na pera (na hindi sa akin haha). But I'm glad that my classmates abide with these expenses kahit na masakit sa bulsa (kasi naman, linggo-linggo may bayarin). Ito talaga yung isa sa mga kakambal ng F2F, maraming lilitaw na babayarin at pagpoproblemahin ka kung saan kukuha ng pambayad. Gladly, hindi sumakit ang ulo ko sa pagsingil.
I'm also the class representative para sa Field Study namin. Isa pa 'to kasi naman sa akin din bumabagsak yung babayarin para sa field study. Yung uniform pa lang masyado nang maraming gastos. But goods lang namin sa akin ang pag relay ng information saka pagbibigay ng needed documents. Sobrang saya rin kapag nakakausap yung mga teachers tapos they'll give you advice para sa practice teaching through their experience. That is one of the perks of having responsibilities kasi nagkakaroon ka ng connection na pwedeng makatulong sa'yo in the future. You'll appreciate your teachers lalo na kung mababait sila.
Third, mas lalo kong naappreciate yung assistance ng mga kaklase ko. I've posted it on IG recently and tagged them pa pero dahil isa akong mahiyain, nahiya ako na pinost ko yon huhu. Kaya napagdesisyunan ko na lang na magpost but ako lang din ang nakakaalam haha. Mababait pala classmates ko?😁
Lastly, I've been challenged in the student publication. Akalain mo 'yon, I'm part of Flambeau ng Educ Dept. tapos yung isa pang major and official student publication. Narealize kong sayang yung mga oras na ginugol ko sa mga walang kwenta bagay na dapat ay pinapractice ko ang pagsusulat at pagbabasa para sana lumawak yung vocabulary ko. Sobrang gagaling kasi ng mga writers ng main student pub tapos ako na two years na ron parang baguhan.
I've faced leaders na hindi ko aligned ang profession and nahihirapan din ako makipag-communicate sa kanila. Sobrang ramdam ko kasi yung intimidating and powerful aura nila haha natatameme ang person. Nasanay rin siguro ako na ako yung leader and one of the initiator tapos hindi ako sanay maging follower only to learn that I've need a lot of things to improve. Kinakalawang na yung braincells at writing skills ko kasi hindi ko naman madalas i-practice. But at the same time, nakaka-amaze yung writings ng mga writers. Parang hinasa at hinubog ng panahon or am I just really interacting with the best of the best journalists in the province. Yung mga nakarating na sa regional or national school press conference compared to me na di naman nakakalusot sa division wahahaha.
Grabe yung energy ng mga tao sa main pub, ang intimidating. Para akong nasa isang anime where side character lang ako tas mga powerful main characters yung kasama ko haha. Then after some time, lalakas din ako with intense training and dedication to improve hahaha.
Anyway, what I'm saying here is that if you have spare time, use it to improve yourself. Read, write, draw, edit, etc. Anything that you find yourself interested with, I'm telling you, makakatulong yan in the future lalo na kung napapractice siya.
Marami opportunities na either lalapit sa'yo or you will accidentally find kaya dapat may asset ka. Be the best version of yourself.