Masasabi kong better than what I’ve expected. Hehe. Ayaw na ayaw ko talaga bale bumangon at pumasok kanina kaso kakapray ko lang kagabi na i-guide ako ni Lord na maging more responsableng studyante, anak at mamamayan. Charot. So, ayun. Nakonsensya talaga ako.
Matamlay pa nga ako sa byahe. Pakiramdam ko ang pangit ko. Lahat pangit sa paningin ko. Bwisit kamo talaga tapos pag dating sa school, ang init init pa. Pinuntahan ko si Dave na kanina pa nagiintay at pinuntahan din agad ako ni Griffin pagkatext kong nasa school na ako. Ayun, ganun pa din. Biglang hype lang talaga ako ‘nung nakita ko si Timothy. Nag slow motion ang lahat habang nagkatinginan kami at nag ngingitian. At! At isa pang At ‘nung alam kong natuwa din siya na nakita ako. Hihi. Kaso nga lang hindi dahil gusto niya rin ako, kung ‘di dahil ako lang ang inaasahan niyang KAIBIGAN. (Wreck) Sobrang saya ko na pagkatapos 'nun. Magkakasama kami simula 9 am hanggang 12 pm. Sobrang saya. Sabay kami sa lahat. Sa pagpapa-add ng units at pagpapa-change sched, sabay kami. Sobrang funny niya. Bawat joke niya, tinatawanan ko. Kami lagi magkausap kasi ayoko siyang ma-op eh. Puro arki kasi kasama niya dahil sa'kin. Ako, Griffin, Ina, Dave at Encio. Pero noong bandang huli na, nagkakabiruan na si Tim at mga Arki Friends ko. Ang galing din kasi makisama ni Tim. Ang cute cute niya talaga, as in. Tapos kumain kami ng sabay sabay. Umulan pa nga eh kasi sobrang init talaga. Lahat kami may payong, siya lang ang wala. So ayun, nakishare siya sa'kin. Siya humahawak ng umbrella tapos sobrang close namin. Nakaakbay ako sakaniya eh. (HOKAGE) Bumagal ang mundo ko noon, sobrang saya. Ang saya saya! Hindi ko nga nakakausap si Griffin the whole time kasi kasama ko si Tim.