This is me when my mother gave birth to me, 16 years ago from now. I was only two weeks old here. Wala pa akong kamuwang-muwang at tanging huni at hele lamang ng Nanay ko ang kailangan ko sa mga panahong ito.Β Ang boses lamang kasi niya ang makakapagpakalma at makakapagramdam sa akin na ligtas at protektado ako. Hindi ko man na natatandaan ang mga nangyari sa mga oras na ito, alam ko at sigurado naman akong palagi akong nasa bisig niya upang patahanin ako mula sa aking pag-iyak. Sa natatandaan ko rin galing sa kwento sa akin ng Nanay ko, mahilig din daw akong magpahele sa Tatay ko hanggang sa makatulog ako. Kung tanging maiibabalik ko lamang ang oras ay sa panahon na iyon ako babalik kung saan hindi pa kumplikado at magulo ang paligid ko. Ngunit masaya pa rin ako sapagkat nagagawa kong balikan ang mga ala-alang ito at masayang naipapahayag sa mga tao ang mga karanasan kong ito.















