So yeah, I’ll end my letter here.
Ayoko naman ipagpilitan yung sarili ko sa taong ayaw sakin. Naalala ko, sabi ko nga pala noon, kelangan ko ng ingatan yung puso ko.
Nagkausap tayo nung nakaraan, and you show some concern kasi tinanong mo kung kumain na ba ako. Then kinabukasan, ayern wala ng paramdam. Naisip ko lang, ang hirap pala magkagusto sa taong di alam yung naffeel mo towards him/her. Masakit. Hahahahahahaha
Gusto ko na rin kalimutan yung feelings ko sa’yo habang maaga pa at di pa masyadong malalim. Baka kapag super nahulog ako sa’yo, di na ko makaahon hahahahaha pipilitin kong ituon yung atensyon ko sa ibang bagay :) Yes, crush kita pero di ko na papatagalin yan or papalalimin pa. Kelangan ko ng kontrolin yung feelings ko. Hindi pwedeng magpakatanga na naman ako. Nakakasawa na rin kasi. Baka magalit na ko ng tuluyan sa sarili ko.
So ayun, pasensya na kung di ko mapapanindigan ‘to. Magiging invisible na lang ako sa’yo :) Matagal tayong magkakasama sa work, so I will see you as a friend na lang, not as a crush or something special. Di na ko magpapadala sa mga tingin mo 😅 Thank you sa pagiging inspirasyon, for a short time.
I’ll love myself na muna 😊