kohi is such a smart and gentle doggo. sobrang gentle niya kumuha ng pagkain sa kamay, gentle kumain ng food, ang gentle mag play bite (kahit na nanggigigil siya). makulit na rin siyang doggo. ang dami ko na kalmot sa legs na naman na para bang pusa iyan siya.
sobrang opposite ng ugali nila ni sushi. si sushi kasi mabilis magulat, mataranta at ma-stress. kaunting kalabog, kakahol na siya ng malakas. kahit nga sa kulog, natatakot at nagwawala na siya. pero si kohi, sobrang calm at chill lang kahit na may biglang kumalabog ng malakas. kung may pagkakapareho man sila ni sushi, ung pagiging clingy at iyakin lalo na kapag lumalabas ako. ung ugali ni kohi, parang pinagsamang kuma at sushi.
sabi nga ni d, if may anak daw silang dalawa, si kohi daw iyon dahil din sa kulay.
day 11 pa lang niya sa life namin, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may furbaby na ulit ako (kami). sa tagal ko inalagaan sina kuma at sushi, nakakatawang naninibago ako. medyo nasanay na kasi akong wala sila eh. kaya ngayon, feeling first timer ulit ako. saka ang challenging kasi talaga ni kohi, lalo na’t 4 mos na siya noong mapunta sa amin. ang laki na nga pinagbago sa ugali niya ngayon eh. mas confident na siya, clingy, at makulit. eto rin talaga ung goal namin, maging confident at masanay siya sa presence at environment bago namin siya ilabas-labas. natatakot pa rin kasi siya sa ibang tao at mga aso eh.
kapag naalala ko ung first 3 days niya sa amin, masasabi ko na nasubok talaga ung pasensya at tiyaga ko sa kanya. kaya sobrang proud lang din ako sa sarili ko.
this month, mapapa-vet na namin siya. kailangan lang din talaga at gusto ko monthly naka nexgard siya dahil napakaraming garapata ng mga aso dito. ayaw ko siyang mahawa at ayoko na maulit ung mga nangyari kay sushi. sobrang paranoid nga rin talaga ako sa maliliit na bagay dahil sa takot ko sa nangyari kay sushi.