IMPLUWENSIYA NG BARKADA
IMPLUWENSIYA NG BARKADA o “PEER PRESSURE” ay ang impluwensiya na mahirap pigilan na mangyari sa buhay ng isang tao. Ito ay namamagitan sa mga taong may kapareho ng edad o kapareho ng karanasan. Maaaring sa silid-aralan, sa simbahan, sa komonidad o sa lupon lang ng isang samahan. Ang iyong pananamit, pagsasalita, pagtrato sa iba, panlasa sa pagkain, o maging iyong pagkilos ay maaring magbago pag nagpadala ka sa mga nangiimpluwensiya. Pag na-pili mo ang mga maling kaibigan, siguradong-sigurado na ang dala nila ay ang mga maling bagay. Tulad nalang ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, pagsali ng mga fraternities, pag gamit ng mga bawal na gamot o maging ang pagsinungaling. Pero di naman lahat ng impluwensiya na galing sa barkada ay negatibo, meron ring positibo lalong lalo na kung marunong kang pumili ng kaibigan. Di man natin nakikita pero, may mga positibong impluwensiya ang ating mga barkada tulad ng tunay na pakiki-pagkaibigan, pag gawa ng mabuting halimbawa, mga maayos na puna at mga payo, marespetong pakikisalamuha, marangal na panghihikayat, at pag-gawa ng mga bagong karanasan. Napipilitan ang ilang mga kabataan na gumawa ng isang bagay dahil marami ang gumagawa neto at takot siyang maiba. Maging impluwensya na plagi niyang gustong makasabay sa uso. Di naman mali ang makisabay sa uso basta’t hindi makakasira sa kaurian ng isang tao. Kaya wag palaging magpadala at gamitin ang utak sa pagpagusod sa iba. Matutong pumili ng tunay na kaibigan.
BLOG AND REBLOG PLEASE!! ILL DO THE SAME
yeah yeah











