ANG ARTIKULONG ITO AY KADUGTONG O KARAGDANAN SA AKING PANGALAWANG ARTIKULO NA TRUST O TIWALA.
Sa aming Filipino subject, kami ay nagkaroon ng debate sa paksang “DAPAT BANG MAGTIWALA SA ISANG TAO” at sa lahat ng mga nangyari sa mga pagkakataong iyon, marami akong mga bagay na nalaman at natutunan. Hindi maipaliwanag kung ano at sino nga ang lamang sa dalawang panig. Sobrang hirap pumili pero ang sarap sa pakiramdam na maibahagi ito sa iba.
Sa aking mga natutunan, ang TIWALA ay talagang napaka importante. Tiwala sa isang tao, kaibigan, at sa pamilya. Mayroong nagsabi na hindi madaling magtiwala sa isang tao at talaga namang totoo iyon. May mga pusong nasaktan, pamilyang nasira dahil lang sa PAGTITIWALA. Mayroon rin namang nagsabi na dapat ring magtiwala dahil ang TIWALA AY KATUMBAS NG PAGMAMAHAL, at ang PAGMAMAHAL AY KATUMBAS NG TIWALA.
Alam naman nating ang hirap ibalik ng tiwala sa isang taong minsan kanang sinaktan. Pero hindi naman siguro masamang magbigay ng PANGALAWANG PAGKAKATON na ibalik yung tiwalang iyon sa isang tao lalo na’t napatunayan mong talagang nagsisisi sya sa kanyang ginawa. Hindi man ito maibabalik kung gaano katatag at buo yung tiwalang ibinigay dati, atlis natutunan mo ring magpatawad at magbigay ng isa pang pagkakataon na ayusin ang lahat at ibalik ang tiwalang nasira.
Sabi nga nila, TIME HEALS EVERYTHING so dapat huwag din tayong mawalan ng tiwala sa ating sarili na kaya natin. Na kaya nating lampasan ang lahat ng pagsubok na nararanasan natin. Siguro nga takot kanang magtiwala ulit dahil sa sakit Na naranasan mo at talagang nawala na ang tiwala mo sa isang taong minsan mo ng pinagkatiwalaan. O baka sadyang ibinigay mo lang ang tiwalang ito sa maling tao, kaya dapat rin tayong mag-ingat. Dahil TIWALA LANG ANG KADALASANG DAHILAN KUNG BAKIT MAS LALONG TUMITIBAY ANG SAMAHAN, PAGMAMAHALAN ng bawat tao.
Reblog this and like for her grades

















