Dumadami na talaga ang populasyon ng mga taong paasa. Pero masasabi nga ba nating paasa sila? Kung sa maliliit na bagay nilalagyan mo ng malaking kahulugan? Kung sa konting hawak sobrang kilig ang iyong mararamdaman? Masasabi ba nating paasa sila kung sadyang OA lang talaga magreact yang utak mo? Paasa nga ba sila, o assuming ka lang?
Alam naman nating mainstream sa panahon natin ngayon ang HOLDING HANDS PERO FRIENDS LANG NAMAN, YAKAP YAKAP PERO MAGKAIBIGAN LANG, LANDI-LANDIAN PERO HANGGANG DUN LANG, at ang I LOVE YOU-I LOVE YOU PERO AS A FRIEND LANG. Napakauso na nyan ngayon. Pero tila may mga tao talagang na-out of date dahil tila nabubuhay pa sila sa 2000s na hindi pa uso ang ganyan. Alam nating mahirap mag-assume pero bakit ginagawa mo pa rin? Alam nating masakit mafriendzoned pero bakit naiinlove ka pa rin? Nang dahil sa kilos niya? Nang dahil sa mga ginagawa niya? Eh pano pag nakita mong ginagawa niya sa iba, maiinlove ka pa rin ba?
Alam niyo minsan, ginagawa lang naman ng mga taong OA ang sitwasyon. Na kahit hindi naman sila dapat umasa, umaasa sila. Na kahit hindi naman kahulog-hulog yung ginawa, eh nahuhulog pa rin sila.
Hindi ko rin naman masisisi ang mga taong galit na galit at sobrang bitter sa mga past-kalandian nila. Pinaasa raw sila at pinakitaan ng motibo. MOTIBO LANG. Hindi ng aksyon. Sa susunod kasi, hangga’t hindi nagsasabing seryoso siya at talagang mahal ka niya, wag kang maniniwala. At kung sinabi man, kapag hindi napatunayan at napakita sa'yo, aba wag kang tatanga-tanga! Kailangan ng patunay ng bawat salita.
PALIKE AND REBLOG GUYS😘











