H E N E R A L L U N A : Ang laban para sa kalayaan
Kilala niyo ba ang tanging Heneral na may tunay na puso sa pakikipaglaban para sa ikabubuti ng bayan? Ang tanging Heneral na walang takot na tumalima sa kamalian ng pamahalaan? Hindi si Heneral Emilio Aguinaldo.. hindi rin si Heneral Gregorio del Pilar. Ito ay ang nag-iisang komedyanteng diktador, Heneral Antonio Luna.
Ang kalayaang ating tinatamasa at walang pasubaling inaabuso ngayon ay sinimulan umanong ipinaglaban ni Heneral Antonio Luna. Walang nakinig ni sumunod sa kanya bilang punong heneral kung kaya’t kanyang ginamit ang Artikulo Uno (matatagpuan sa aking blog) upang siya’y sundin. Naging maayos ang pagpapatakbo ng Heneral sa Hukbong Sandatahan, naging malakas ang hukbo at handang ipaglaban ang kalayaan. Ngunit sa gitna ng hamong kanyang tinanggap para sa kalayaan ng bansa, siya’y walang habas na pinatay. Hindi ito inangkin ni Buencamino at mariin itong itinanggi ni Aguinaldo. Sa likha ng sining na Spoliarium makikita natin ang imahe ng pagkamatay ni Heneral Luna, hustisya? Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Isa? Dalawa? O ilang Dekada?
Ngayon, tayo ay nakatago pa rin sa anino ng mga Amerikano. Na pagkatapos ianunsyo ang di umano’y kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898, hawak pa rin ng Amerika ang leeg ng gobyerno. Kung patuloy na nabuhay ang natatanging Heneral sa buong panahon ng pakikipagdigma, hawak pa rin ba tayo ng Amerika ngayon? Sino ba ang mangmang na kumitil sa buhay ng ating bayani? Dapat nga yatang tanghaling bayani ang natatanging Heneral Luna sapagkat siya lamang ang buong pusong inalay ang buhay para sa bayang walang malay. Heneral Luna, ikaw ang tunay na bayani.
MAGANDANG UMAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. LIKE AND REBLOG NAMAN PO TAYO DIYAN MGA FRIENDS
MALUOY MOOOOO HAHAHAHA
SIGE NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
BROTHERS AND SISTERS IN CHRIST. PLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEASE?
Pstttt
Nays ♥
















