Tao din naman ako, napapagod. Kaya minsan ayoko rin nagtatanong kung kailan pwede mag - off, kasi sasabihin, bata bata mo pa dali mo nang mapagod samantalang kami dati blah blah blah, na walang wala yang trabaho mo sa trabaho namin noon. Ewan ko ba, ganun ba talaga? Do they really have to compare their lives before and now? Hay. Hirap. Hirap maging anak. Hirap din pag may sasabihin ka, mamimisinterpret naman. Saan naman po ako lulugar diba. Wala naman ako mapagsabihan kasi ayoko rin naman maging “bother” sa mga kaibigan ko. Sa mga pinsan ko, ayoko rin naman magsabi kasi iba iba na rin mga buhay.
















