Hi Bloggey. Update lang kita because it's been 3 years since my last post haha.
Work.
Wala na pala ako sa Dentistry, nasa Central Ad na ako ng UPM nagwo-work, SG10 pero JO pa din. Syempre aim pa rin natin maging permanent so sana kahit SG15 lang this year HAHAHAHAHAHA
Education.
Nagma-masters na rin pala ko, sa UPM din, 1st year 2nd sem. Kaya aim ko rin na permanent para free tuition na ako hehe. Bakit ako nag masters? Trip ko lang pampalipas oras char hahaha. Bukod sa na inspire ako ni Ron at ng mga graduates sa Dentistry, gusto ko rin mag sablay hehe.
Family.
Meron na pala kong sariling kwarto since nagpa 2nd and 3rd floor sina mmy last 2023. May pamangkin na rin pala ako, si Josiah, he's 4 na. Si ate Laine kasal na kay Ryan last 2024. Si Tin at kuya Joe, single pa rin. Si Lea 3rd year college na sa course na Midwifery. Si Alas 5 or 6 years old siya nung nagkasakit siya last year dahil sa leptospirosis. Si Nashnash, 12 years old na and may sakit na rin na tumor. Si mmy, ang payat na dahil sa stress sa Bicol, si ddy ganun din payat din dahil naman sa na stroke siya. I am still praying that all of them will have a good life and a good health wherever they may be.
Friends.
Nadagdagan pa po ang circle of friends ko dahil sa work ko. Aside from IG and GHAME, I already have besties sa Mach at sa Dentistry. Dito sa bago kong office, not sure pa hehe. Regular ko pa rin naman silang nakakausap lahat so ayuuuunn.
Lovelife.
Ron and I celebrated our 8th anniversary last November and we are getting married this June. Sobrang gastos Bloggey 🥲 From 50 pax to 80 pax na kami. From 100k to 200k+ na ata kami. Nawa'y mairaos lang namin tong wedding na to ng masaya at maayos. Lord, sorry po pero kayo na pong bahala kung loloobin niyo po hehe. Thank you po I love you.
Self.
Currently, I'm okay. Medyo may pressure lang siguro sa kasal and sa gastos pero medyo di pa sagad sagad haha. Hintayin ko lang na mag combo yung kasal-work-acads ko, baka dito na ko mabaliw hehe.
Gusto ko pa sana i-elaborate yung ganap ko pero tinatamad na ko hahaha. Bye Bloggey.











