Kung totoo man na ang kidlat ang pagkuha ng litrato,
Malugod kong titingnan ang bawat panahon na nakuhanan ako nito.
Ang bawat pitik na nakakabulag,
At sa bawat pag bagsak na may bigay bagabag.
Habang tumatagal ay gusto ko na itong makita,
Ang bawat bersyon ko na nakuhanan at naipinta.
Ang lungkot at sayang dumaan na't humalina,
Malakas na ilaw at tunog na tumagos pa sa bintana.














