Kaibigan. Sila raw yung mga taong unang tatawa sa mga pagkakamali mo. Unang manlalait sa kung anong pangit sa’yo, yung mukha mo, yung sulat kamay mo(bakit pwede bang sulat paa) at lahat ng panget na makikita nila ibubulgar nila sa’yo at take note, harap-harapan nilang gagawin ito hindi lang sa’yo kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa inyo. Sila rin yung unang taong magpapainit ng ulo mo  bawat araw.
Sa iilan maaring hindi ito ang pagtingin niyo sa tunay na pagkakaibigan. Sa iba maaring hindi nila maintindihin kung bakit kailangan maging mapanglait, mapangmaliit at mapanakit ang mga tinuturing na kaibigan ng iilan. Pero para sa akin, yan ang saktong saktong paglalarawan ng isang tapat at tunay na kaibigan.Â
Hindi ko ito binalak o ginusto. Hindi rin yan ang mga nabuong larawan ng isang kaibigan nang bata pa ako. Pero nang magkaisip at tumandang guwapo na ako (gwapo na talaga ako ha), hindi pala totoo ang mga nakita ko sa loob ng isip ko. Hindi pala santo ang mabuting kaibiganin.Â
Hindi ko alam ang ensaktong araw kung kailan nagbago ang tingin ko sa katangiang dapat taglayin ng isang kaibigan. Pero sigurado ako, nagbago ito ng araw na pumasko ako ng High School at nakikilala ang mga kaibigang mga hayop na ubod ng ingay at kulit.
Kahit araw- araw kaming nanglalait sa isa’t-isa, palagi parin kaming nagsasama. Magkasama. Dahil sa bawat lait namin natatanggap ay naututo kami at nagiging may alam kami kung ano ang problema sa amin. Kahit palagi man kaming nag-aaway, masaya parin kami. Masaya dahil sa bawat away ay tumatatag ang aming pagkakaibigan.Â
Oo, hindi santo ang mga kaibigan ko. Hindi sila yung pinakamatalinong tao sa buong mundo (close kaya ako sa mga topnotchers, The Vals). Pero sila yung mga taong nagturo sa akin ng maraming makabuluhang bagay, mas marami kaysa sa naturo sa akin ng paaralan. Hindi man sila yung pinakamagandang tao sa buong universe. Sila naman yung mga taong may pinakamagandang sagot sa bawat tanong mo, mas maganda pa sa sagot ng Miss Universe.
Kaibigan. Tunay na maaasahan sa iwanan. Mga taong mga walang ibang gagawin kung may problema kundi manlait ng isa pang kaibigan mapatawa ka lamang.Â
Hindi ko alam kung paano natanggap ng aking sistema ang mga panlalait at pang-iinsulto sa akin ng mga taong naging importante sa buhay ko. Siguro nasanay at naging manhid na lang ako. Hindi ako desparado na magkaroon ng kaibigan dahil marami ako nun. Malawak lang talaga ang aking isip, ikaw subukan mo, masarap kaya, try mo!
Dahil sa mga panlalait na aming binibitiwan araw-araw ay mas nagiging bukas kami sa mga saloobin ng isa’t-isa. Naging mas komportable kami sa bawat isa. Natanggal ang mga hiya. Nagiging mas totoo kami sa kanila at higit sa lahat sa amingmga sarili mo.
Sa lahat ng mga lait na aking natanggap mula sa inyong mga kutong lupa, maraming salamat. Kayo ang bumuo ng aking pagkatao. Kung ano man ako ngayon at kung ano man ako balang araw, tatanawin ko yung malaking utang na loob sa inyo. At kung maging miserable man ako (hinding hindi mangayayri yan) balang araw, humanda kayo dahil hindi ko kayo malilimutan. Amen














