061714
feeling ko talaga maaga kong mamamatay sa dami kong sakit eh, Lord wag muna please, dami pa tayo balak sa buhay ko dibaaa? :>
ang last time ko nalaman ay yung possibleng may tinnitus ako, na feel ko talaga meron. pero grabe, may bago na naman akong nalaman. alam ko na yung tawag sa nangyayari sakin. madalas kasi, halimbawa, tinitigan kita, or isang bagay ng matagal, ung bagay na yon, nagalaw sa paningin ko, palayo. as in i swear di ko lang mademonstrate pero matagal ko na nirereklamo yon pero sabi nila baka daw gawa ng mata ko. yung bang para kang nalayo sakin kahit nakaupo ka lang, nakasteady ka lang pati ako hahahaha
objective vertigo it is!!
pero minsan, nakakafeel din ako ng subjective vertigo, yung feeling ko naman nagalaw yung sarili ko kahit nakastay lang ako hahahahaha
and ang resulta kung meron nga ako ng dalawang to, the tinnitus and vertigo, pwedeng may meniereâs disease ako. well, almost all of my peers ay alam na ako ay isang binging tao hahahaha pero minsan, nakakarinig ako ng sobrang okay. i swear ang sarap sa pakiramdam kahit 5 minutes lang every one week or 4days na pinakaswerte.
like last time, nakaupo ako non, tas yung electric fan sa kanan ko hindi ko naririnig yung ugong non, alam niyo yon diba? walang maingay nung time na yon, tas biglang pak! narinig ko as in, ang lakas pala. grabe sa pakiramdam haha parang partial deafness na nga to e.
eh nirereklamo ko naman lagi sa nanay ko pero sabi niya baka daw gawa lang ng hilig ko maglinis ng tenga nadugo minsan, eh ngayon ung normal na lang kasi baka kaya pa maayos :(
kaya kapag nakikipag usap ako, pansinin niyo guys, dalawang part niyo tinitingnan ko lagi, mata pati bibig. kapag bigla ka nagsalita, tas nagkukwento ka, madalas papaulit ko pa sayo lahat, kasi hindi ko nakikita ung buka ng bibig mo, kasi minsan binabasa ko na lang don hahahahaha so parang ganun ung meniereâs
and meron akong past kasi about sa ear kaya siguro ganito din pandinig ko :(
nagsarado yung tenga ko dati, i swear di ko alam na maayos pa yon, yung sarado talaga guys ha, yung skin nakadikit na sa kabilang skin, diba bilog yon butas, yung isang side na skin dumikit na dun sa isa pa
ang galing lang talaga ng doctor ko non, everyday nadugo yung tenga ko non, sa kanan kung hindi ako nagkakamali, nalimutan ko na ung buong reason bakit pro ang tanda ko nagka-nana yung inner ear, so napasok ako sa school ng laging may bulak sa tenga kasi nonstop yung bleeding. nakadikit pa lagi yon kasi nga diba sarado, di mo maisuksok, kaya kung makikita niyo yung grade 4 id pic ko non, mukha akong busabos kasi hindi ako pwedeng mag-ipit kasi makikita ng iba ung bulak tho alam ng school ung nangyari sakin so ayon.
kelangan ko na talaga magpaover all check up sa buong katawan ko hahahaha













