Panginoon, buksan nyo po ang mga mata ko. buksan nyo po ang aking isipan. buksan nyo po ang aking puso. buhayin nyo po ang aking kalooban. gawin nyo po ang lahat para gisingin ang pagkatao kong napahimbing sa pagkakatulog. ipaintindi nyo po sa akin ang mga bagay na dapat kong intindihin. paalalahanan nyo po akong muli patungkol sa mga plano nyong mas malalaki at mas magaganda kaysa sa mga planong mayroon ako para sa sarili ko. at higit sa lahat, patawarin nyo po ako sa bawat kasalanang nagawa ko. patawarin nyo po ako sa patuloy kong panunumbat at pagrereklamo sa buhay ko. patawarin nyo po ako sa pag hindi pagtingin sa bawat kabutihang naidudulot ninyo. tanggapin nyo po ako muli sa buhay ninyo. huwag po kayong magsawang patawarin at pagbigyan ako sa bawat pagkakamaling nagagawa ko. ang lahat ng ito ay nagmumula sa pinakaruruk-rurukan ng aking kalooban, nawa’y tanggapin nyo. amen.
















