RF: Mahilig akong panoorin yung mga tao.
Yun bang agad ko nalang matritripan pumuntang mall mag isa (para libreng AC na rin! Hahaha), umupo sa food court, tapos pag pagod na kong magbasa, pag mamasdan ko lang yung mga dumadaan na tao, kung ano yung emosyon nila habang naglalakad kasabay nung kasama nila, yung reaksyon nila sa mga bagay bagay, kung ano yung maaring nararamdaman at pinagdadaanan nila sa mga oras na yun at kung ano ano pa.
Tapos agad nalang silang magiging official character sa novel na sinusulat ko sa utak ko para sa araw na yun. Agad silang magkakaroon ng dialogue at hanggang sa makauwi ako ng bahay, nagawan ko na ng ending yung story nila.
Walang duda, baliw na nga talaga ko =))