OO. tama ka nga. Nausog ako kagabi. Alam mo ang usog? Yan yung gutom ka,tapos may pumuri sayong tao na gutom din. Ganun yun. Okay ba? Kahapon kasi,galing ako sa burol ng lola ni @peeyaatoss. Tapos nandun din si adss. Sabi nya saakin,pumapayat na daw ako. Gutom na talaga ako nun pero hindi ko kinukuha yung pagkain na ino offer saakin ni pia kasi talagang na tatae na ako. hahaha kaya yun. Bago ako umuwi,daan muna ako sa Mcdo, bili akong fries and Mcflurry tapos uwi na ako. Pag uwi ko,an dami ko pang nakain. sobra. Tapos ayun nag iinternet na ulit ako. Mga 11 pm na, biglang tumawag si trxa. Tinanong kung nandun pa raw ako sa Funeraria Imperial kung saan nka burol yung lola ni piaaa. Habang kausap ko sya sa phone, nag ninja moves ako papunta sa kama ko. Pag tayo ko... ayun patay tayo jann. Pagewang gewang na ang paningin ko. Kung iniisip mong masyado lang akong malikot, hindi po. Basta. Tapos ayun, kausap ko pa naman kagabi si mama sa skype. Sabi ko sa kanya,matutulog na ako at sobra na talaga ang sakit ng ulo ko. Nasusuka pa ako. Hindi po. Kung iniiisip mo din na juntis lang ako. Hindi po. HAHAHA. Tapos yuuuunnn, nag sabi na ako sa lola ko. Na touch nga ako. Kasi talagang nag hanap sya ng taong pwedeng mag laway sakin para mawala lang ang Usog ko. Tapos habang papunta kami sa albularyo kagabi,narinig ko yung driver na iba iba daw ang klase ng usog. Ang natandaan ko lang talaga ay yung usog ng AGTA. Halos daw mamatay matay ka sa sakit. Tapos habang on the way palang kami,may babae kaming napagtaungan kung saan ang alam nyang nag lalaway sa nausog. Ayuuuun, hinawakan nya yung pulso ko. Sabi nya " Ay hala,mahina ang ginhawa mo iha" OO talaga. Nang hihina na talaga ako ng sobra kagabi :((((( Tapos ang saboi nya pa. Yung damit daw na ginamit ko habang nausog ako,ilagay daw sa mainit na tubig at ipahid sa katawan ko. Pag uwi namin ginawa namin yung sinabi nung babae. Tapos ayun,nalaman ko tulog na pala ako. hahahaha Aang galing. Pero ngayong gising na uli ako.... Mejo hindi pa ako 100% okay na. Kasi yung pinagawa nung babae saakin kagabi,parang alternative lang yunnn. So mamaya,mag papa check up na talaga ako.