di ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. yung tipong naiinggit ako sa mga "EX" ko na masaya na sa mga karelasyon nila. tas ako eto, nganga. HAHA. yung pag nababasa ko yung mga palitan nila ng comments ng karelasyon nila eh super sweet tas pagdating sa profile ko, wala lang. haha. nakakaiinggit kahit dating ako yung kapalitan nila ng sweet nothings eh, tas ngayon ako wala na, sila meron ng tinatanggi, masaya na, makulay ang buhay. masaya ako para sa kanila kahit na yung iba eh di na kami nagpapansinan, pero bakit ganun?. mabait naman ako kahit papano pero bakit di ko pa siya nakikita?. err. nasaan ka na ba kasi? pwede naman kasing magpakita eh. para masaya na ang buhay ko at nating lahat. LOL