SOCIAL MEDIA: Nakakatulong paba ito sa kasalukuyan?
Sa panibagong henerasyon, ang Social Media ay ang madalas nagagamit ng mga kabataan at mga taong may edad na. Ito ay isang produkto na kung saan ang mga tao ay maaring kumonsumo ng mga iba't ibang uri ng nilalaman o 'Content' na nakakaaliw, matuto, at impluwensiyahan ang mga posibleng makakita ng mga nilalaman nito. Ngunit, ano ang tinatawag natin na Social Media?
Ang Social media ay isang kolektibong termino para sa mga website at application na nakatuon sa komunikasyon, input na nakabatay sa komunidad, pakikipag-ugnayan, pagbabahagi ng nilalaman at pakikipagtulungan. Eto ay isang produkto ng makabagong teknolohiya na nagkakaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng tao.
Ngayon, nakakatulong paba ito sa kasalukuyan?
Maraming naiitulong ito sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng:
1) Pagpapalaganap ng Impormasyon
2) Pagkakaroon ng boses (Free-Speech)
3) Pagpapalawak ng Kaalaman at Edukasyon
4) Pag-uugnay ng mga tao
5) Pagtulong sa mga Adhikain at Kampanya
Ang Social Media ay naglalaro ng mahalagang papel sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapahayag ng opinyon, pag-uugnay ng mga tao, at pagtulong sa mga advocacies sa global na antas.
Subalit, mahalaga rin ang TAMANG paggamit nito dahil sa mga masamang epekto na maaring maidulot nito sa mga manoryang mga edad at sa mga tao na hindi nag-iingat sa paggamit nito.
Importante ang regulated at tamang paggamit ng social media upang maging instrumento ito ng positibong pagbabago at pag-unlad sa lipunan na hindi magpapalaganap ng hindi kanais-nais na mga epekto nito sa buong lipunan.














