Ikaw, bad ‘yan!
Natatawa ako sa’yo, dude. At the same time naaawa at naiinis. Bakit? Isa-isahin ko kung bakit ha.
Una, natatawa ako sa'yo. Bakit? Kasi para kang tanga. Manloloko ka na lang, hindi mo pa ginaling-galingan. Itatago mo na lang 'yang pagkatao mo, hindi mo pa hinusayan. Ayan tuloy, nahanap na kita. Pero syempre di ko muna ipapaalam sa'yo na nahanap at nakita na kita.
Pangalawa, naaawa ako sa'yo. Sabi mo kasi nag-aaral ka. At hindi lang sa basta-bastang school ha. Bigatin 'yang school mo, dude! Di nga ako nakapasok diyan eh. (Di naman kasi talaga ako nag-try. Lol) Wala lang. Medyo mataas kasi tingin ko sa'yo tapos ganun ka pala.
At pangatlo, naiinis ako sa'yo, dude! Wala kang kwenta. Sa lahat ng ayaw ko pa naman, 'yung nanloloko at nananamantala ng kabaitan ng ibang tao. Kumbaga sa Divergent, inaabuso mo pagka-Abnegation ko. (Maisingit lang talaga hahaha)
So ayun. Alam ko namang hindi mo 'to mababasa pero wala akong paki dahil nakita na naman kita. Yun ang mahalaga para sa akin. Hahahaha!










