Sa kuko ng Maynila
Heto na naman
Kinakain ng kamaynilaan
Unti-unting tinatalo.
Ng damdaming halo-halo.
Ng pagiisa.
Pagluluksa.
Pangungulila.
Ng pagkalula,
Na sa dami ng taong nakikita
Walang isa mang kakilala.
Walang kaibigang makasama.
Nakapagtataka
Lalong dumadami ang 'baka'
Baka ako din ang may sala.
Kung bakit mailap ang mga tala.
Kung kaya hahayaang kusa
Na makasanayan ang pagiisa.
At tuluyang lamunin ng pagdurusa.









