May sabi-sabi na kumakalat sa bayan namin tungkol sa isang babaeng walang mukha na naka suot ng puting bestida. Kuwento ng mamaat papa ko, simula nang bata pa sila ay mayroon ng puno ng balete sa liblib na daan palabas ng bayan at halos lahat ng mga dumadaan doon sa kalagitnaan ng gabi ay nakikita ang babaeng nakaputi at naaaksidente. Ang iba'y namamatay at ang mga nabuhay ay takot ng dumaan doon sa kalagitnaan ng gabi, ayaw makitang muli ang babae. Tinawag nga nila itong white lady.
Labing walong taon na ako at hindi naniniwala sa mga kuwento-kuwento tungkol sa mga multo dahil hindi pa naman ako nakakita ng multo. Maniniwala lang ako sa isang bagay kung ito'y nakita ng dalawang mata ko o hindi kaya'y nahawakan ng palad ko.
"Inay!" tawag ko sa aking lola. "Alam niyo po ba kung bakit na roon ang babaeng walang mukha at naka bestida ng puti?" puno ng kuryosidad na tanong ko.
Lumingon si lola sakin at niyaya akong umupo sa tabi niyang bangkito. "Kuwento noon ng aking inay ay isa siyang napaka gandang dalaga na naaksidenteng namatay sa liblib na daan na iyon. Subalit hanggang ngayon ay walang nakakaalam sa totoong pangyayari sa babaeng nakaputing bestida." Pahayag ni lola at pagkatapos pinagpahinga ko na siya sa kaniyang kuwarto.
Nagtungo ako sa labas ng bayan upang makipagkita sa mga kaibigan ko dahil isa sa kanila ay kaarawan niya at bumili ng mga gamit at bitamina nina lola at lolo. Nagabihan na ako dahil sa kasiyahang naganap at halos kalagitnaan na din ng gabi. Inaya nga nila akong matulog na nalamang doon ngunit tumanggi ako. Hinatid na lamang nila ako sa bungad ng bayan namin. Maglalakad ako papunta sa bahay at malalampasan ko ang puno ng balete kung saan na roon ang white lady. Hindi ako takot, masnatatakot ako sa mga taong maitim ang budhi.
Nang nakatapat ko na ang balete sa amin. Wala namang kakaiba sa puno. Madilim dahil sa makapal niyang dahon. Tinitigan ko ito at hinahanap ang babaeng walang mukha at naka bestidang puti.
Nagulat na lang ako nang may tatlong lalaki na nakatayo sa likod ko. Hindi ko sila masyadong makita. Tiningnan ko lang sila na may pagtataka. Magsisimula na sana akong maglakad pero hinawakan ako sa braso ng isa sa mga lalaki. Hindi ko masilayan ang kanilang mukha dahil sa sobrang dilim. Inaasahan ko sana na ang white lady ang makita ko ngunit mukhang mali ako.
"Ano pong kailangan niyo? Saka pakibitay po." may galang ko pang tanong.
Hinigit ko ang aking braso at handa ng tumakbo pero nakaramdam na lang ako pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko at bumagsak na ako.
Pumikit ako. Nagdasal na sana ay mayroong tumulong sa akin. Rinig ko man ang pagpunit nila sa damit ko ay mariin pa rin akong nakapikit umiiyak, nakiki-usap at sumisigaw nang saklolo.
"Huwag po! Tama na! Nakikiusap ako! Tama na!" hiyaw ng isang babaeng maganda ang boses ang narinig ko. Siguradong hindi iyon nanggaling sa akin pero naramdaman ko rin ang paggalaw ng labi ko. "Nakikiusap ako!" minulat ko ang aking mata. Humahagulgol ako. "Paki usap!" nagsasarili ang labi ko. Pinilit kong tumayo pero nanghihina ako at muli namanhid ang ulo ko dahil sa matigas na tumama. Ramdam ko ang mainit na likidong sumusirit. Hindi ako makagalaw. Naririnig ko silang nag-usap ngunit hindi ko sila maintindihan iba ang lenguwaheng gamit nila.
"Enterrémosla." ito ang narinig ko bago ko narinig ang pagpala at paghakot nila sa lupa.
Ililibing nila ako? Tanong ko sa aking sarili. Sa loob-loob ko'y sumisigaw, nagwawala. Gusto kong makalabas pero ang katawan ko'y hindi nasang-ayon.
"Rosa! Gising!" minulat ko ang mga mata ko at bumungad doon ang lola ko. Hindi maipinta ang mukha niya. Halatang nag-aalala. "Apo, diyos ko! Anong nangyare sa iyo? "
"Anong nangyare, inay. Bakit ako nandirito?"
"Nakita ka ng iyong tiyo na nakatayo na lang sa harap ng puno ng balete na parang wala sa sarili at nang ikaw ay naka uwi na tatlong araw ka namang hindi gumising sa pagkakatulog. Para kang isang bangkay sa nagdaang tatlong araw." Kuwento ni lola habang hinahaplos ang buhok ko.