To The Man I Loved
“ Man, this is for you. Since I lost her then I lost you, or should I say we had lost you because you finally surrendered to Him. I hate you and fuck you for leaving without even saying goodbye. But it’s okay. And I am sorry if you had seen that worst kind of my side. Aries, I miss you bro. No one can replace you as my best friend, brother and my partner in crime, Man, understand that it is too difficult to lose 2 people instantly, lalo pa at I both love you so much. Maybe that’s the reason why I lost myself too. But I am proud to say that I’m back. And I’m going back to Philippines alone to know my plans and to start over again. Magtatapos ako. Pero iisipin ko munang mabuti kung handa na akong mag-aral ulit at tapusin na to ng tuluyan, I am so being left behind.:) “
Nitong mga nakaraang buwan lagi kong sinasabi na finally naka-move on na ko sayo. Sinasabi ko kasi totoong naramdaman ko yun. Alam ko sa sarili ko na naka-move on na ko sayo. Hindi man nawala lahat ng feelings pero hindi na ganun katindi katulad nung dati. Pero nang mabasa ko ito, pakiramdam ko bumalik ako sa dati. Bumalik lahat. Bumalik yung sakit. Bumalik lahat ng alaala. Bumalik yung kagustuhan kong maayos tayo. Gusto kong umiyak. Katulad nung pag-iyak ko pag may nararamdaman kang sakit, katulad nung iniwan mo ko. Gusto kong umiyak at murahin ka kasi sumuko ka. Gusto kong umiyak katulad nung pag-iyak ko nung mahal na mahal pa kita. Gusto kong umiyak kasi nasasaktan ako. Nasasaktan na naman ako dahil sayo. Bakit? Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Bakit ka sumuko? Madami akong gustong itanong sayo pero naalala ko, wala ka na nga pala. Wala ka na para sagutin ang mga tanong na hanggang ngayon ay gumugulo sa puso at isipan ko. Wala ka na para bigyang linaw pa ang mga nangyari. Pero bukod sa pagtatanong, ang gusto ko pang gawin ay ang yakapin ka at sabihing “Mahal, bakit hindi ka lumaban?”
Ang dami kong gustong sabihin, itanong at gawin sayo. Ang daming sana. Lumaban tayo nung una para hindi mauwi sa ganito pero anong nangyari?Aries anong nangyari? Bakit ka sumuko? Bakit ka napagod? Di ba sabi ko naman sayo, kung pagod ka na, ako na muna yung lalaban? Pero mas pinili mong layuan at iwan ako. Mas pinili mong lumaban mag-isa. Siguro iniisip mo na tapos na ang kwento natin kaya hindi na ko masasaktan at iiyak kung sakaling mawala ka na. Sana nga ganun yung mangyari pero bakit ganito? Bakit umiiyak ako habang ginagawa ko to? Bakit kasing sakit nito yung naramdaman kong sakit nung iniwan mo ko? Bakit masakit pa rin?
Dalawang taon na. Dalawang taon na ang nakalilipas at ang aking nailakad palayo sayo ay unti unti nababawasan, unti unti akong hinihila pabalik sa kung saan ako nagsimula, saan tayo nagsimula. Nagawa ko nga bang kalimutan ka o nasanay na lang ako sa sakit kaya inakala kong nakalimutan ko na? Unti unting bumabalik lahat. Sa kung paano mo ako napangiti nung una kang magtext, tumawag at sabihin ang mga salitang panandaliang nakapagpatigil sa pagtibok ng puso ko, ang mahal kita. Saya, lungkot, galit, kilig. Lahat, lahat yan ay kayang kaya mong iparamdam sakin. Iba pa rin yung epektong nagagawa mo sakin kahit na dalawang taon nang tapos ang lahat. Dalawang taon na punong puno ng alaala. At akalain mo nga naman na magagawa ko ulit maramdaman at maalala lahat dahil lang sa ginagawa kong ito. Masakit lang isipin na hindi na natin mabibigyan ng isa pang pagkakataon ang ating kwento. Masakit mang isipin pero sumuko ka na talaga. At ang tanging nararamdaman ko lang sa ngayon ay pagsisisi, sakit, panghihinayang. Nandun sana ako sa tabi mo nung mga panahong nahihirapan ka, katulad lang nung mga ginagawa natin ngunit mas masakit isiping hindi na ako ang kailangan mo nung muling mong maranasan yun. Masakit tanggapin ang katotohanang hindi na ako ang kailangan mo. Naalala ko nung sinabi mo na kapag nagawa mo na ang mga bagay na yun ay pwede ka nang mawala. Ngayon iniisip ko kung nagawa mo ba ang mga yun? Maaaring oo pero hindi mo sakin ginawa kundi sa iba.
Alam kong sa piling Niya ay wala ka nang sakit na mararamdaman. Wala nang hirap, pagsisisi, pagkalungkot. Masakit man pero kailangan ko nang magpaalam sayo. Sayo na minsang nagbigay kulay at nagpasaya sa mundo ko. Sayo na minahal ko. Sayo na naging bahagi at patuloy na magiging bahagi ng buhay ko. Masakit man pero paalam mahal. Dito na talaga nagtatapos ang ating kwento, ang ating libro. Hindi man naging maganda ang ating pagwawakas, masasabi ko pa ring woth it lahat. Worth it ka. Hindi ko alam kung pano ko tatapusin ito pero siguro katulad nung mga nagawa ko nang sulat para sayo, katulad nung kung pano natin tapusin ang ating mga pag-uusap sa telepono. Magtatapos ito sa kung saan tayo nagsimula at yun ay ang mga salitang mahal kita.
Iloveyou? Iloveyou.













