NAPAKASAKIT MAHULOG
Sadyang napakasakit talaga mahulog yung dama mong ang mundo mo ay naalog Sadyang napakasakit talaga mahulog Nahulog ako at walang sumalo oo .. isa ako sa mga tangang tao na naniwala na maaring maging sya at ako pero tulad ng sa laro may nanalo at may natatalo at syempre ... ano pa nga ba lagi akong talo Wag mo na tanungin kung masakit ba ? dahil ang isasagot ko lang ay nasanay na... At wag mong tatanungin kung sinong tanga dahil please wala ka nung minahal ko sya Napakasakit talagang mahulog pisikal, emosyonal para kang binugbog Napakasakit talagang mahulog yung hindi ulo ang puso pero bakit nauntog Yung mga iyak at luha sa mga mata yung mga sigaw gabi gabi sa iyong kama yung dilim na saksi sa sakit na nadarama Napakasakit talaga mahulog














