Ma-kontento ka naman!
Umagang-umaga, pagpasok ng trabaho. Bagong ligo, mabango pa ang polo, walang sablay ang ayos ng buhok, tirik na tirik at singtigas at singtayog ng alapaap. Ang linis ng polo, bagong laba pati ang slacks plantsado. Walang gasgas o dumi ang sapatos, nakaKIWI pa. Yan ang resulta ng taong mahilig gumising ng maaga. <Thumbs Up!>
Pero may mga tao namang full package na nga pagdumating sa office, Abay! di parin kontento... <Tulad ng...>
Pagkadating sa trabaho, lagay ng gamit sa office table, konting ayos ng damit sabay labas ng office. Planong bumili ng breakfast pero sumegway muna, Punta ng C.R., tingin sa salamin, sabay hawi ng buhok, Tapos lumabas, pak! Diretso ng cafeteria, nakita si crush, sabay bati ng 'Hi!' with hawi-effect, pak! sabay smile. <wala pang 5 minuto yun>
Dala ang breakfast: cheese lasagna! so yummy! pero feeling na nagkaron ng sause ang kamay sabay tingin sa damit hanggang slacks. Lumingon sa paligid naghanap ng salamin, pero wala paring nahanap, nakita ang table glass, sabay lapit, tinignan ang mukha at sabay hawi ng buhok, pak! <wala pang 2 minuto yun>
Habang pabalik ng office kasama ang kaibigan.....feeling marami ang taong tumitingin sa kanya, sabay tanong sa kaibigan 'Bro, may dumi ba ako sa mukha? Maayos ba ang buhok ko?' pak! <wala pang 3 minuto yun>
Malapit na sa office, mejo sumegway ulet, pumasok sa C.R. pak! Tingin sa salamin, sabay ayos ng damit at sabay hawi ng buhok. Pak! <wala pang 1 minuto yun>
Kung sino ka man. Eto lang ang masasabi ko "Huwag kang magpapakita sakin, kasi pag nakita kita baka mabuhusan kita ng tubig para naman tuloy tuloy at hindi paudlot udlot ang pag sesegway mo" SPACE PA MORE!














