Walang sagot, kase walang tanong? #Komplikado
Paano nagiging komplikado ang isang bagay? Kung patuloy mo itong nilalagay sa sitwasyon na hindi naman dapat. Kung patuloy mong iniiba ang hindi naman dapat baguhin. At kung patuloy mong iiwasan ang isang bagay dahil sa takot na hindi maganda ang maging resulta nito.
Alam mo ba kung bakit walang kulay ang hangin? Kase isipin mo kung ang hangin ay may kulay eh magkikitaan pa ba tayo? Maaappreciate pa ba natin ang ganda ng mundo? Hindi na, kase matatakpan lamang ito. Pero ano ba ang pinaglalaban ko dito? Actually, hindi ko alam. Siguro, gaya ng hangin mas magiging maayos ang mga bagay bagay at mas lubos na magkakaintindihan kung hindi na lalagyan pa ng kulay ang mga nais nating sabihin. Mas mainam na sa tuwing may sasabihin kang mahalaga, sabihin na ito ng direkta at wala ng paligoy-ligoy pa. Dahil sa paglihis mo sa tunay mong saloobin naiiba na ang daloy at maaaring sa huli ay hindi mo ito maparating ng maayos at ang lagay ay hindi mo napaintindi sa taong ito ang nais mong ipahayag.
Kaya bata palang ako, ganyan na ang paniniwala ko. Minsan nga ay nasasampal pa ang aking bibig dahil sa pagiging straight forward. Dahil gusto ko talaga direct to the point. Kaya ngayon, ang gulo lang pag may mga bagay na hindi ko lubos na maintindihan dahil hindi ko alam kung tanga ba ko dahil hindi ko talaga naiintindihan o nag-iisip lamang ako dahil wala naman talagang kahulugan ang mga bagay na pilit kong hinahanapan ng kahulugan. Na baka wala naman talagang dapat intindihin.