OPM vs Foreign Music
Bakit ba hindi gaanong ka sikat ang OPM kumpara sa mga kantang banyaga? Hindi maiiwasang pansin ang pagkarami ng mga panatiko sa mga artistahing mulang ibang bansa, lalong-lalo naman ang mga galling US at Korea. Pero paano ang mga nasa ating bansa? Hindi naman sa nawawala o nabubura ang OPM sa ating media, kun’di ang pagkawalang balanse ng mga kantang mula abroad at kantang mula sa ating bayan. Kung titignan natin sa Myx, ang pangunahing channel na pang musika sa PIlipinas, tuwing mga daily top ten, masmaraming mga kantang Ingles ang nakakapasok kaysa sa Filipino. Tuwing My Myx, ang mga nirerequest na kanta ay kadalasang Ingles. Kung minsa massumisikat ang mga kantang banyaga kaysa sa mga OPM. Ngunit dahil din sa channel na ito, muling nabubuhay ang OPM kahit na hindi kadalasang binibigyang pansin. Napapakinggan ng ating mga kababayan ang mga pinaka patok na musika galing sa mga artistahing pinoy dahil sa channel na ito. Ngunit tignan naman natin ang mga kabataan. Ang pagkaisip na pang Kolonyal ay nahahalata sa kanila at kinakailangan pang ipaalaala sa kanila na pag bigyan ng pansin ang mga produkto at gawang mga pinoy at kasama na diyan ang musika. Ito ang pinakapasimuno, kabilang ang ‘di pantay na pagkakilala sa atin ng globalismo. Dahil sa isipang kolonyal napaphina nito ang pag kilala sa mga musikong gawa ng ating mga kababayan. Pero hindi parin huli ang lahat dahil hindi tuluyang nawawala ang OPM sa media.















