Sabi nila lumaya na tayo sa kolonisasyon. Ilang dekada na ang lumipas nang tuluyan tayong makawala sa kadenang iginapos satin ng mga dayuhan. Tatlong lahi ang gumahasa sa ating bayan— iniwanan ng bakas ang ating kultura, tradisyon, isipan at pati na ang wika.Â
Lumaya na nga, ngunit bakit tila atin pang mas niyayakap ang iniwanan nilang bakas? Hindi ba dapat na natin itong kalimutan? Hindi ba’t panahon na upang pagyabungin ang siyang tunay na atin?Â
Ilang daang taon tayong ginahasa, subalit ngayong kasalukuyan ay tila walang bahid ng pagtutol at paninindigan. Kaya't nais kong pakinggan niyo ang aking panawagan— buksan ang isipan at ipaglaban ang dangal ng ating sariling wika!
Sapagkat ang Wikang Filipino ay hindi wikang pangmasa, pampalengke, jologs, showbiz o pangkalye lamang—ito ay wikang intelektwal, wika ng akademya, ng karunungan at ng puso ng bawat Pilipino.
(tulang pasalita ni: Cha)
“Lumaya na tayo!” yan ang hiyaw nila,
Lumipas na ang halos apat na siglong tanikala,
Natapos na ang panahon ng kadiliman,
Ngunit bakit sa bawat pagmulat ng mata, tila banyaga pa rin ang ating iniidolo?
Bakit tila sarili nating tinig, bigkas, at salita ay kinakahiya?Â
tila hindi prayoridada ang wikang tunay na atin.
Talong lahi ang gumahasa sa ating bayan—
Espanyol, Ameriakano at Hapones.
Tatlong kamay ang humubog sa ating isipan
at sa huli, iniwan tayong bitbit ang mga tanong:
Pero bakit bihag pa rin ang ating dila?
Bakit kapag Ingles, pinupuri at kay talino sa ating paningin,
Kapag Filipino, normal, pambiro at minsa'y tinatabunan ng hiya.
Bakit kapag wikang banyaga tila karunungan ang hatid?
Ngunit pagsariling atin parang kababaan ng uri?
Sa paaralan, wala sa limang daliri ang mga asignaturang nasa wikang Filipino,
Sa gobyerno at pamahalaan, lahat ay wikang ingles ang gamit,
Paano ito mauunawaan ng karamihan lalo na ng taumbayan?
Ngayong simula ng bagong henerasyon,
Ilang magulang ba ang ingles na ang ginagawang unang wika ng kanilang anak?
Ngunit teka---may ilan pa ring bumabangon!
May mga kabataang bumibigkas ng tula, gumagawa ng pelikula
Sumusulat ng sanaysay sa wikang nagmula sa dugo ng kanilang ninuno.
Sa bawat tula, pahina, bawat awitin,
muling nabubuhay ang ating dangal---
Sapagkat hindi ito wikang pangmasa lamang.
Hindi ito bakya, jologs, o pangkalye.
Ito ay wikang intelektwal, wikang ng akademya,
wikang ng isip at puso ng bawat Pilipino.
Dito isinilang ang mga kaisipang kayang baguhin ang daigdig.
Dito isinisigaw ang pag-ibig sa bayan, ang pag-asa sa bukas,
ang karapatang mamuhay nang may dangal.
Kaya’t buksan ang isipan—
huwag hayaang mamatay ang ating pagkakakilanlan.
Pagyabungin ang wikang itinuro ng ating ina,
ang wikang unang lumabas sa ating mga labi.
 Sapagkat sa bawat titik ng Filipino,
sa bawat bigkas mo ng pantig,
Kaya pakinggan ang aking panawagan:
Ipagmalaki ang sariling wika,
sapagkat dito tayo tunay na malaya!
ni: Charity Ysabelle N. Apin, mag-aaral sa UPD