Nagkangitian
Bawat kalsadang nilalakaran
May taong hindi namamalayan
Tulad ng aral ng Kasaysayan
Napakahirap na matandaan
Ang mga mukhang nagpapalitan
Sa mga kalyeng dinadaanan
Sa bulungan at mga sigawan
Ay mayro’ng hindi maiiwasan
Magkakaiba man ng pangalan
May natatanging ‘di karaniwan
Mangingibabaw sa karamihan
Dalawang taong nagkatinginan
Mga labi ay nagkangitian
Nagbunga ng mga kahulugan
















