It's all because of him. Hahahaha, naaalala ko yung first day. Ilang na ilang ako sayo kasi mukha kang matalino at seryoso palagi. Huhuhuhu, nahihiya akong kumausap sayo kasi baka isipin niyo na boring ako o hindi marunong makipag-usap kaya sa iba na lang muna ako nakipagchika(chos).
Hanggang sa dumating yung araw na magkatabi tayo sa MARK dahil sa apelyido natin. Ayaw pa rin kitang kausapin kasi... ewan, nakakahiya. Naglalaro lang ako nun nang bigla mong napansin yung plushie keychains ko sa bag. Natuwa ako kasi kahit papaano may isang nakapansin ng gawa ko (TT___TT oo, mababaw kaligayahan ko) tapos kinausap naman kita. Ang problema, may pagkabingi ako kaya tango lang ako ng tango kahit hindi ako sigurado sa mga pinagsasabi mo (sorry na b3h).
That one time na abent si ma'am Acosta tapos may pinagawa si Ben sa atin na activity, magkatabi tayo. Nagmumusic ako nang sabi mo, "share tayo". Teh, selfish ako pagdating sa music (kung alam niyo lang) kaya naghesitate ako kung isheshare ko ba, eh since sabi ko sa sarili ko na magbabagong buhay ako, edi... geh. Left sayo, right akin. Nagpatugtog ako ng SWS, yung "If you were a movie, this would be your playlist" playlist ko. Maayos lang nung una, (nakakailang lang kasi di talaga ako sanay makipagshare ng earphones dahil hindi pantay pandinig ko. Iniiwasan kong hindi pantay ang music sa tenga ko) pero hinayaan ko na lang kasi alam mo rin yung mga kanta. Kaso after ng last song (with ears to see and eyes to hear (fave TT^TT)) eh hindi mo pala alam yung next song kaya pinarinig ko na lang sayo yung cover nila ng Iris. Dun mo nalaman na yun pala title nun.
Nang minsan maglaro kami ng *insert ng laro na yun na sasabihin "You're under arrest!" dahi nakalimutan ko ang pangalan ng laro* hidni ka sumali, bagkus (lol) ay hiniram mo cellphone ko at nagmusic. Nagbluetooth ka ng mga kanta ko at nakinig ka (syempre). Yun lang ginawa mo, nakailang laro na kami pero nakatungo ka lang at nagmusic.
One day nagulat ako nang sabi mo na kantahin natin yung caraphernelia. Hello, ang hirap kaya kantahin yun XDD mas lalo sa screamo part. Natuklasan ko na mahilig ka rin sa screamo. Pinarinig mo sakin yung King for a day, sabi mo yun lang kanta mo noon ng banda nila. Since then, about sws and ptv na napag-usapan natin. Songs, pictures tungkol sa kanila madalas napag-uusapan natin pag magksama tayo. Natatawa talaga ako 'pag sinasabi mong, "download mo na kasi yung lyrics ng caraphernelia! Kantahin natin siya!" "Kanta tayo ng caraphernelia" "patugtog ko yung caraphernelia", halos bukangbibig mo yung caraphernelia eh! Mas adik ka sa akin XD.Dahil dun nahilig tayo sa mga post-hardcore songs.
Anywhose.. ang drama ng peg nitong pinagtatype ko XDD first sem pa lang, madaming pang dadating. Sana nandoon ka pa rin para kantahain natin yung caraphernelia ng sabay >:)) geh bye ♥