3Rs: Abenida ng Pagbabanyuhay ng mga Bagay-bagay
Unang pinasinayaan ni Engr. Kristian July Yap ang kaniyang presentasyon na pinamagatan niyang āEnvironmental Management: Focus on Solid Waste Management.ā Nakatuon ang talakayan sa pagtatampok ng kahalagahan ng tamang segregasyon ng mga basuraāang kahalagahan ng reduce, reuse and recycle.
Ang kolektibong aksiyon na nakasentro sa 3Rs ay isang napakahalagang hakbang upang matugunan ang kahingian sa isa sa mga inihaing tunghuhin ng United Nations sa āSustainable Development Goalsā na tinatangkang kamtin pagdating ng taong 2030. Ito ay isang set ng mga lunggatiāt adhikain sa ibaāt ibang aspekto/larang (kahirapan, giyera, agrikultura, edukasyon, kalikasan, atbp.) para masigurado na sa bawat aksiyon ng bawat institusiyon ay hindi mapupuwersiyo ang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon. Itinuturo na ang āreduce-reuse-recycleā mula pagkabata natin (hanggang sa kolehiyo pa nga) lalo na sa mga asignaturang nagpapaalala sa kahalagahan ng pagkalinga sa kalikasan. Kahit na parati itong itinuturo sa atin, sa kabilang banda, hindi naman gaaanong nabibigyan ng tamang atensiyon. Gusto kong tingnan ang isyung ito na dulot ng kaginhawaang Ā hatid ng teknolohiya na minsan ay mas ginugusto na lamang nating bumili ng bago at itapon na lamang ang mga bagay-bagay na sa tingin natin ay hindi na kailangan pa o may depekto na. Isinasantabi natin, hindi man tuwiran, ang abenida ng pagbabanyuhay ng mga bagay-bagay. Minsan pa ngaāy naririnig ko sa mga kakilala na mas makamumura at/o makatitipid pa ng oras ang bumili na lang ng bagoākung kayaāt ang maaari pa sanang mai-recycle ay naisasama na sa tambak ng basura na matagal (o may ilan pa ngang hindi na made-decompose) bago maging pataba. Sa ganitong panahon, mabuti talagang magtampok ng mga paraan upang magamit ang 3Rs upang tulong na rin natin sa kalikasan. Hindi lamang ito isang paraan ng pagka-creative, isa rin itong pagpapakita ng concern sa ating kalikasan.
Gayun din, pinaalalahanan din ng tagapagsalita ang bawat isa sa kahalagahan ng tamang segregasyon. Nakatutuwa lamang na ang aking kasalukuyang tinitirhang komunidad sa may Brgy. UP Campus ay may programang ipinatupad para masiguradong malinis at nahahakot nang wasto ang mga basura sa barangay. Dalawang beses kada linggo nag-iikot ang trak ng basuraāmagkaiba pa ang araw para sa ānabubulokā at ādi-nabubulok.ā Malugod kong pinupuri ang ganitong pagsusumikap na magkaroon ng tamang segregasyon sa kinabibilangang komunidad. Hindi naman kasi lahat ng Local Government Units ay naisasakatuparan ang ganitong aksiyon kahit na ito pa ay isang mandato.
Sa kabuuan, ang pinakanapulot ko para sa araw na ito ay ang kahalagahan ng parte ng bawat isa para maisakatuparan ang anumang minimithi. Ambisosyo man ang Sustainable Development Goals ng United Nations subalit kung may kolektibong aksiyong ilulunsad ang bawat isa sa atin ay tiyak, sama-sama nating maisasakatuparan ito. Napakaraming organisasyon o kalipunan ang nagtatampok sa ganitong adhikain, isa na rito ang 2030 Youth Force in the Philippines Inc.ākung saan din ako ay miyembro. Nakatataba ng puso ang ganitong mga pagtugon sa hamon ng hinaharap. Napakahalaga rin ng gampanin ng bawat isa sa atin. Harinawa nga ay mas mapalawig pa ang pabatid hinggil dito nang sagayoāy mas Ā umigting pa ang pakikibaka para sa ambisyong ito. Ang kolektibong aksiyon mula sa masa, para sa masa ang magpapatingkad sa magandang epekt ng isang kolektibong aksiyonāisa itong lundayan ng ating pakikibaka para sa kasalukuyan at hinaharap ng mundo.