Abala.
Hindi ko alam kung saan ako nababanas. Nawawalan ako ng gana umuwi kase alam kong may gusto pa ko gawin pero hindi ko naman magawa kase tamad na tamad nadin ako. Gusto ko mag-one for the road. Pantanggal stress lang. Kase parang napakahaba ng araw ko tapos parang pumalya lang ako. Kaso ang weird naman bumili mag-isa n’un. Tapos hindi ko sure kung kelangan ba magbalik ng bote kapag sa convenience store bumili. Ano na naman ba problema ko? Trabaho ba? Or tao na naman? Paulit-ulit na naman yung mga kanta ng UDD habang naglalaptop ako sa office. Ang daming emosyon. May isang memorya kanina na nagpaligoy-ligoy sa isip ko. Katabi kita tapos busy ka sa viber. Kalmado lang naman ako makipag-usap kahit ang dami-dami kong pinoproblema sa trabaho tapos parang sa’yo wala lang. Tapos nung ako na yung may hawak ng phone at busy na nagtetext, sinita mo ko na hindi nakikinig sa’yo. Asan kaya ang katarungan? Tengene lungs.












