Terminal.
Nagising akong tinatamad pumasok (as usual), kaya imbis na bumangon ng alas-kwatro, nakatulog ako muli at alas-singko na nakakilos. Leyt na naman ata ako. Ang kinalabasan, mga 5:40am na ata ko nakapunta sa taas. Nagmamadali naman akong pumunta sa pila ng van ng makita ko si Lucas. Nag-hi lang ako kaso sabi niya sabay na kami. Ilang segundo lang, dumating si Melvin. Patay. Alam ko na. Masama na kutob ko. Nag-hi ako at aalis na sana. Kaso sinabi ni Melvin na minsan lang kami magkita saka “flexi-time” daw ako (what?!), saka surprise daw nila ako kay Allan Kenneth. Juice colored. Sabi na ehh. Bakit ba kase leyt ako umalis ngayon? Huhubells. :\
5:15am daw usapan nila, anong petsa na? Naleleyt na siya ngayon? Tatakas ba ako or hindi? Papatayin ba nila ako kapag inijan ko sila? Ano naaaaaaaa? Makaraan ang ilang minuto, dumating na siya. Shet. Na-stun ako.
"Ui."
"Hello."
Hindi ko alam kung nakasama ba ng mood niya na nagtagpo muli ang landas namin. Ang lakas lang talaga ng trip ng mga kabarkada niya. Hindi rin naman siya nagsasalita, kaya feeling ko wala naman akong dapat sabihin. Looking good, pero same old-same old. Yayakapin ko sana siya bago ako umalis (syempre pati si Lucas at Melvin din naman, or baka apir lang? Ayy ewan), kaso baka ang awkward naman, at hindi narin ako nakapagpaalam kakamadali. Nagtext nalang ako kay Melvin. Matutulog sana ko sa byahe kanina kaso nawala lahat ng antok ko nung makita ko siya. Na-stun nga kase, pre. Ayun. Ingat ka lagi, Allan Kenneth.
















