Akala ko pag inUnfriend ko na sya, wala na, mawawala na ang feelings ko para sa kanya. Alam ko naman kasing infatuation lang to e :( Kasi pag nakikita ko sya, saka lang naman ako kinikilig. Pero bakit ganun? Saka naman sya pumasok ng araw araw, tapos pinansin pa nya ako :( At inasikaso ko naman sya :( Tapos napansin nya effort ko FINALLY! After 10 months, ngayon lang sya nagThank you sa effort ko <3 Tapos saka ko nanaman malalaman na may girlfriend nga sya. E ano ba naman kasi ang pakealam nya sakin, e sino ba naman kasi ako :( Bwiset naman oh :'( Hindi naman dapat ako nasasaktan diba? E kasi hindi naman naging kami, at 10 months ago lang naman simula nung nagkakilala kami. :'( Pero bakit ganito? ANG SAKIT SAKIT :'( Yung sakit e unbearable :'( Alam mo yun, yung tipong ang sakit e higit pa sa sobra </3 Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman :'( Di ko naman sya masisi kasi ako lang naman ang nag-assume :'( Di naman sya nagpakita ng motibo. AKO LANG TALAGA TONG NAG-ASSUME :'(