Backread
11:52pm. Maya-maya umaga na. Biglang napabukas ng mga old convo (s). Sa pagbukas ko, parang dinala ulit ako sa panahong yun. Parang biglang napindot ko yung press ON sa time machine. Dama ko ang kaba, kilig, inis, sakit sa mga nabasa ko na para bang kahapon lang nangyari lahat. Mapapa balik-tanaw ka na lang din sa nakaraan. Di maiwasang maikumpara ang noon at ngayon. Nagbago. May nagbago. At least may naiba. Kidding aside! Change is constant! Di dapat magulat. I just realized somethings after I backread. Ooopss! Rated negative po ito since, skills ko naman ito - Ang punahin ang mga mali at damdam ko. Una, di ako goods maging tunay na kaybigan. okay lang kasi ako sa "pag need mo ko andito ako, pag ako na yung may problema, okay lang if may malapitan o wala, kasi minsan hindi ko alam na need ko na pala ng tulong". Nasanay na lang din naman ako na hindi kinukumusta, o finafollow up. Follow up lang sila pag may need sila, but its fine. Pag ang sagot ko ay "okay lang ako" honestly, hindi ko alam kung ano isasagot ko. Summary: Isa akong pabayang kaybigan. Pangalawa, lahat nagbabago... pati sya, maging ako. Ako ata may problema. Narealize nya din kasing mabagal at boring ako kasama. Gusto ko na lang mawala sa kahit sinong hindi ako nakatulong o ako'y walang idinulot na may kabuluhan! Charaught! Panghuli, kahit ano pang transition sa buhay ko ang maging ganap, tanging si Hesus lang ang hindi magbabago. Umiyak ako pero di mo ko pinagtawanan, ni hindi Ka nainis Lord. Imaginary Mong balikat ay dama ko habang lumuluha ng buo. Nanghina ako pero heto Ka, pinapalakas Mo ako. Walang bumati sayo ng "Congrats!", pero sabi mo Lord that time "isang mahigpit na yakap sayo aking anak! Well done!" sabay tapik ako sa aking sariling balikat na para bang ikaw ang nagsabi noon. 12:39am na. Baka pag gising ko, wala na to. Isinulat ko lang ang mga damdam na inumaga na sa kakatype. Good morning na pala.











