Backreading...
Today, I haven't done anything yet, but to backread my old blog and some other tumblog to follow. Ang sayang balikan yung mga posts ko yung tipong habang nagbabasa ako eh napapangiti ako kasi nakita at nabasa ko ung mga kadramahan ko sa buhay HAHAHA. After kong mabasa yung mga posts ko sa luma kong blog, nagbasa rin ako ng mga ibang tumblog na pwede kong ifollow. Nakakatuwa ring basahin yung mga posts nila, may pagkakataon na humahanga ako kasi ang galing nila mag blog, yung iba naman kinikilig ako kasi puro love stories nila ng jowa nya yung nababasa ko, mga posts din na naiinggit ako kasi dahil sa tumblr nagkaroon sila ng kaibaigan. Siguro kung hindi ako nag-in-active dito sa tumblr, siguro marami na rin akong naging kaibigan, marami na rin akong naikwento tungkol sa buhay at buhay pag-ibig ko, siguro magaling narin ako magblog ngayon yung tipong pag may nag backread din ng blog ko masasabi nilang ang galing at ang ganda ng nakikita nila sa tumblog ko. Hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa ko mag kwento ng mga ka-dramahan ko sa buhay gaya nito para pag nag backread ulit ako mapapangiti ulit ako.













