mga parisukat. 02012020
sa p. campa
may ihawan
doon kumain.
sa mendiola
may tawiran
doo'y lumupagi.
unang araw
ng pebrero't
malakas ang hangin.
nilalamig
ang puso kong
Sa'yo lang palagi.

JBB: An Artblog!
todays bird
RMH

shark vs the universe
Cosmic Funnies

★
sheepfilms
Stranger Things
styofa doing anything

Kaledo Art
Game of Thrones Daily

⁂

izzy's playlists!
Sweet Seals For You, Always
dirt enthusiast
Not today Justin

blake kathryn

祝日 / Permanent Vacation

seen from Malaysia

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Singapore

seen from United States
seen from United States

seen from Algeria

seen from New Zealand
seen from Germany

seen from Germany
seen from South Africa

seen from Russia

seen from United States
seen from Germany
seen from Australia

seen from Mexico
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
@pasintabitabipo
mga parisukat. 02012020
sa p. campa
may ihawan
doon kumain.
sa mendiola
may tawiran
doo'y lumupagi.
unang araw
ng pebrero't
malakas ang hangin.
nilalamig
ang puso kong
Sa'yo lang palagi.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
easy nights. 9292019
Kunst
The tsunami of emotions after leaving just hit and soaked me right through the core.
This is me breaking up with all of you. This is me telling you my ridiculous plans for the future because he said happiness is overrated, give me purpose. This is me wanting to grow my hair long all over again.
You see, this time I'm planning to take a break. Go off the grid and go home home. Bring all my books with me and read and tab all of them. Writing every word, detail, storyline, and characters that are new, interesting, and that speaks to me. I want to live inside the pages of books again because there I find freedom. I know that not everything is a destination but I haven't felt free for so long that it makes me feel less of a human. I want to feel free again.
I want catharsis. I want to be healed by all forms of art. I just heard architecture students talking about the philisophy of colors and its a total mindfuck but its a good one. I'd live for those, great mindfucks. Not exhausting ones.
I'm planning to take a job, just a small one. Just whatever's enough to earn a steady income to make me less of a burden to my family. Through that job, I want to gain confidence and comfortability especially in my sexuality. I want to interact with people with different stories and laugh with them. It makes me smile just thinking about it.
It makes me cry.
If you ever see me, don't talk to me about this. Just tell me to stop drinking coffee because it messes with my head and my sleep schedule. Send me a playlist. I'd appreciate that. I really love early mornings but all I do during that time now is sleep or cram or study. I'd stare off into the distance and think I'd like to walk now but I can't because I still have to finish something or because I'm just uncomfortably sleeping.
Give me courage. I'm afraid these words will never leave this and those plans will just be for naught. I mean its not the first time that's happening.
I'm sorry. I just feel like a candle lit at both ends.
Park
You never change.
Even when when you cut your hair, even when you wear it short. You never change.
This was supposed to be longer because I've been thinking about you all summer. I've been trying to write something about you and for you but I cannot move past the point of your gorgeous hair. I saw you yesterday and thought oh fuck it. I like you. Definitely. This one's for you
Park.
Dalawang magkasunod na Linggo ko nang pinapanood ang Kamaynilaan mula sa malayo. Ang una'y sa Tagaytay, ang pangalawa'y sa Antipolo. Sinusubukang pilitin ang sariling kaya kong makatakas sa realidad na apat na taon ko nang tinitiis. Masikip, mainit, nakakasakal at nakakapagod... araw-araw. Sinusulit ang mga oras na mag-isa ang isipan para isipin ang mga palaisipan ng buhay kong ito. Kung may mga pagbabago ba sa mga ganito't ganyan. Wala.
Siguro maganda lang ang buwan kapag malayo. Kagaya ng mga ilaw na nakakalat sa ibaba ng Antipolo, magulo't hindi mawari kung aling lugar ang alin. Aling gusali kaya ang pinakamaliwanag? Sa punto de bistang ito'y namamayani ang mga kulay araw. Parang umulan ng maliliit ngunit malimit na bola ng apoy at nanigas ang mga iyon pagtama sa lupa ng mahal n'yong Maynila. Hindi ko mahal.
Ang ganda nya'y kayang buuin ang apoy ngunit hindi kayang paghiwa-hiwalayin ang liwanag nito. Kapag nasa loob ka nito'y nakakapanglagkit ang init ngunit kapag mula sa malayo'y mukha lang siyang magandang bersyon ng mundong unti-unting nagugunaw na.
Kailan kaya?

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
paunang salita
Sa pagtulog ng mga bituing nanlalamig na sa walang hanggang dilim, liliwanag nang walang kapara ang paligid at hindi mo na sila ulit makikita. Hindi ka na mangungulila sa kagandahang maganda lamang kapag malayo.
Gigising ka at babangon at hindi na mahuhulog sa bangin ng kalungkutan. May sahig ka nang matatapakan at malalaman mo na ang totoong kahulugan ng paggising.
Titigil ka na sa paghahanap ng dahilan kung bakit ang bilog ay may mga patlang sa bawat sulok at gilid kahit walang sulok at gilid ang mga bilog. Hindi mo na gagawin ang kakagawa mo lamang na pagpapakomplikado sa mga bagay. Huli na iyon.
Wala ka nang hahanapin pang iba dahil kumpleto ka na. Ang tanong na lamang ay kung kailan manlalamig ang mga bituing nasa walang hanggang kadiliman.
pagmasdan.
sa wakas ay dumating na ang iyong pinakahihintay. natapos na ang lahat ng buhay sa iyong daigidig. nahuli ka na naman ng pagdating.
pagbigyan.
hindi ka rito dapat magsimula.
pitong araw bago ang bagong taon
paano gagaling ang sugat kung hinahayaan mong matuyo sa araw tapos kakamutin mo sa gabi hanggang matuklap ang langib at ika’y mapangibit?
tuklapin mo ang langib kamutin mo sa gabi patuyuin mo sa araw hayaan. para gumaling ang sugat;
ito’y komedya dahil tumatawa ang lahat sa hitsura ng iyong pagdurusa;
saka trahedya dahil umiiyak ka pa rin, walang katapusang luha; umay na ang maskara
ulit-ulitin lang natin natin lang ulitin-ulit walang inang puta dahil anak ang problema
ilang sanhi ng mga bungang bulok; mga bunga ng ilang sanhing inaantok
dalawang bote at isang tasang kape
kumakaripas na parang mga kabayong hinahampas ng mga ugat na tadtad ng sugat ang kalamnang pulang-pula sa likidong arangkadang lumalagari sa kanya
apatnapu’t dalawang minutong tulog
kumukurap ang pagod na mga talukap sapagkat halos magdamag mulat. kumikirat-kirat at pilit tinatakpan ang kumakawalang namumulang mga ugat sa mga matang salat sa tulog na masarap
animnapu’t anim na maling puntos
kumukulog sa unti-unting pagkahulog ang isipang pinupukpok na naman ng mga negatibong hindi mapangalanang lintik; umaalulong at pumipitik; sinasaltik
tatlong oras na pagtitiyaga
ngayon pa kung kailan kumakaripas, kumukurap, kumukulog ang pag-asa niyang makaalpas. ‘wag kang pumikit
baka tuluyan kang makatulog. sa umaga’y puyat sa gabi ay antok
“Nga pala, ‘wag kang magbibigay ng simpatya sa mga kagaya namin dahil hindi mo pa nararanasan ang magkaganito.“
Kailanma’y hindi kita maiintindihan. Tingnan mo ngayon.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
“Malupit ang pagbabagong nangyari. Parang nawala ang kaluluwa ko doon at ang esensya ng ginawa ko.“
Naiintindihan na kita ngayon. Wag kang mag-alala.
melodrama (ang araw ng paglason)
nakatulog ako kagabi; hindi ko natapos ang pagsisipi
paggising ko kanina ay nagkape ako’t nanood ng tv
nang magsawa’y umakyat ako at itinuloy ang pagsisipi
pagkatapos ay nagsipilyo naghilamos nagtali
umalis sa bahay nagtanghalian bumiyahe kahit sobrang init
pagdating ko rito’y nakatulog ako ulit
dalawampu’t pitong minuto ang lumipas at ako’y nagising
nagsipilyo naligo nagbihis umalis
naglakad habang nakikinig sa’yo
sa pagdating, ang bawat galaw ay may ibig sabihin
hindi agad naintindihan at lumilipad ang isip
ang taludtod (tumayo) na ito (naglakad) ay iniaalay (umupo) sa pagbilis ng oras (lumuhod)
tatlong gulong ang naghatid pauwi
hindi mabilang na katok at kami’y nakapasok din
ikaw muli ang aking kasama pagkabihis
habang dahan-dahang bumabalik ang kanyang sinabi
huli na naman ang dating ng mga salitang dapat sana ay -
bugbog na naman sa mga katangahan
hindi matutulog ngayong gabi kailangang magsulat ng ano nga ulit iyon?
tingnan mo ang nangyari’t nawalan ka ng talinhaga o baka palaging wala naman talaga? itigil mo na ang pagpilit sa sarili
maraming salamat, melodrama
Kung Sasagot ang mga Ito
Naunang magising ang diwa niya bago pa naimulat ang kanyang mga mata. May kirot sa sentido niyang hindi niya maipaliwanag. Madalas na ang ganitong senaryo sa kanyang buhay tuwing umaga. Wala na kasing liwanag ng araw ang tumatama sa kanyang mga talukap sapagkat ang pader na nakatayo sa pagitan ng mga silid ay nahaharangan ang nag-iisang bintana sa ikalawang palapag ng bahay na kanyang inuupahan. Sinong mag-aakalang ang kulay langit na dibisyong iyon ang pipigil sa sikat ng araw na marating siya? May paniniwala rin kasi siyang ang liwanag na ito ang magsisindi ng unang mitsa ng kasiyahan sa simula ng bawat araw. Paano ba magsimula kung ang asul na dingding ay masyadong tuso at permanenteng paalala na ang mga araw ay hindi na magiging kagaya ng dati? Ang hirap pumikit at gumising sa dilim.
Sinubukan niyang gumalaw. Nag-inat siya at humikab nang malakas na sinundan ng isang buntong-hininga. Kinapa niya ang switch ng ilaw at napapikit muli sa biglaang pagbugso ng liwanag. Kumalat sa buong utak nya ang kirot at siya’y napangibit. Napatingin siya sa ibaba at napansin ang mga nakakalat na gamit doon. Ahh... oo nga pala. Susubukan niyang solusyonan ang problema ngayon. Kagabi’y napagdesisyunan niyang tama na, tigil na. Hindi siya makasalanan. Ang kalungkutan niya’y hindi matatapos kung hindi niya babaguhin ang itsura ng kanyang kapaligiran. Kung ang bughaw na sagabal lamang na ito ang nagpapalungkot sa kanya sa ngayon, gagawan niya ito ng paraan. Walang pader ang makakaharang sa kanya.
Parang wirdong kinausap niya muna ito. “Masyado ka nang maraming nakita. Walang hiya kang sumisilip kapag nagbibihis ako. Alam kong alam mong lasing ako noong isang gabi. Baka nga nakita mo pang sumasayaw ako kahit wala akong kasama rito. Noong mag-umaga, nakita mo rin siguro akong umiiyak. Wala akong kausap noon… oo nga, maniwala ka. Hawak ko lang ang cellphone ko at may pinapanood akong nakakaiyak na palabas. Masyado ka nang maraming nalalaman tungkol sa akin at hindi maganda iyon.” Hindi niya napansin ang panggigil niya noon na para bang may buhay ang kaharap niya.
Walang nakikinig, walang nagsasalita. Hayaan mo lamang sila.
Naisip niyang gibain na lamang ang pader kaso’y masyadong malaki iyong abala sa kanya, sa mga katulad nyang nangungupahan at lalo’t higit sa may-ari ng bahay. Bibihisan nya na lamang iyon ng bago at bibigyan ng panibagong mukha. Maaaring hindi pa rin makakalampas dito ang sinag ng araw tuwing umaga ngunit makakatulong siguro ang paunti-unting pagbabago.
Sinimulan niyang pinturahan ng puti ang pader. Paborito niyang kulay. Kalmado. Malinis. Pulido. Puro at hindi makasalanan. Malayo sa kung sino siya talaga. Hindi pa siya nakuntento at pinasadahan pa niya ng isa. Nakikita pa raw kasi ang mga bakas ng nakaraan. Kulay pula… Ang mga guhit na isinulat niya nang nakatalikod upang malaman kung tumatangkad na siya. Ang malagkit na bakas ng scotch tape dahil sa kinailangan niya noong ikapit ang kalendaryo para sa buwan ng Oktubre, masyado kasing maraming ginagawa noon at sobrang nakakalito. Mga parteng masyadong matingkad ang pagka-asul noon kaya mahirap takpan. Dugo…
Nang makuntento na siya’y humakbang siya papalayo at sininghot ang nakalalasing na amoy ng pintura. Matagal siya sa ganoong posisyon habang nagmumuni-muni.
“Naiisip rin kaya ng ibang tao na paano kung nakakakita, nakakarinig, nakakaamoy at nakakapagsalita ang mga tusong pader kagaya nito? Paano kung kagaya lang din natin sila?”
Walang nakikinig, walang nagsasalita. Hayaan mo lamang sila.
Lumaki siya sa probinsya, tubong Mabini, Batangas. Kung ang walang pintura at sagana sa bintana nilang mga pader sa kuwarto ng bahay ang tatanungin (at kung sasagot ang mga ito), ikukwento ng mga iyon sa inyo na ang bawat araw ng binata ay nagsisimula kahit hindi pa sumisikat ang araw. Sasalubungin ang kanyang pagbangon ng matapang na amoy ng kapeng barakong bagong laga at matinis na boses ng kanyang inang naghahanda ng kanyang agahan. Hindi uso ang alarm clock dahil kahit ang kapitbahay ay biktima ng maagang concert ng kanyang ina, hindi sapat ang makakapal na pader ng kusina bilang pangharang. Didiretso ang binata sa pinakamaliit na silid sa bahay at walang hiyang panonoorin ng mga dingding sa banyo ang kanyang paghuhubad at pagsisimulang maligo. Makikita ng mga walang hiyang dingding ang mga sugat niya sa katawang hindi niya ipinagsasabi kahit sa kanyang pamilya at ang mga bahagi ng kanyang murang katawan na pinakatatago niya. Laging malamig ang tubig mula sa gripo at lagi niyang nakakalimutang magdala ng mainit na tubig, ‘di sana’y maligamgam ang pangligo niya. Magpapatuloy ang kanyang mga ritwal sa loob at magbibihis na pagkatapos. Hihigop ng mainit na kape at mag-aalmusal habang unti-unti nang sumisikat ang araw. Hindi nila mapapanood ang mismong pagsikat ngunit mararamdaman nila at mapapansin ang paunti-unti nitong pagsilip sa bintana. Kaysimple lamang ng buhay noon. Lalo na kung wala ang kanyang ama.
“Mga ilang istorya kaya ang kayang isalaysay ng mga pader sa nasirang bahay na iyon? Malamang sandamakmak. Lahat kaya sila’y nakita siyang nagkasala? Mabigat kaya ang malaking larawan ni itay na nakasabit sa pader ng salas? Nasaan na kaya iyon?”
Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang bumabalik sa mga panahong mukhang maayos pa ang lahat. Kaya pang daanin sa pagpapanggap. Hindi pa kailangan ng konkretong pagtakas. Tinitigan niyang muli ang pader at mukhang nagtaka. Kinuha niya ang pintura at pinatungan pang muli ang mga nauna nang naipinta kanina, kahapon, noong isang araw … Sa pagbabalais, nasagi ng kanyang paa ang ilang boteng babasagin. Ang isa sa mga iyo’y may laman pang kulay dilaw na bumubulang likido. Hindi nya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtatakip ng kanyang mga kasalanan.
Sa puntong ito, kung tatanungin natin ang pader na iyon sa silid ng binata kung ano ang nangyayari (at kung sasagot ito), sasabihin niya sa ating sawang-sawa na siya sa iba’t-ibang kulay ng pintura araw-araw. Lumulungkot din naman sa mata ng binata kinabukasan. Nangangapal na siya sa patung-patong na kulay. Halos malasing na rin siya sa dami ng tilamsik ng alak na tinamo niya. Minsan may mga suntok at sipa pa siyang nararamdaman. Madalas may kasama pang luha. Pero hindi siya napapagod, nasanay na rin siya. Dahil sa gabi’y, kailangan lagi ng binata ng masasandalan sapagkat doon pinakamalupit ang mga alaala. Tuwing umaga’y inuulit-ulit lamang niya ang mga salitang natutunan niya rin sa taong kaharap niya ngayon:
Walang nakikinig, walang nagsasalita. Hayaan mo lamang siya.
walang maganda sa umaga (enero 18)
maingay
na naman
ang paligid
basa
na naman
ng pawis
pundi
na naman
ang bumbilya
sikip
na naman
ang isipan
kulang
na naman
ang oras
patay
na naman
ang binata
wala
na namang
nagawa
hanggang kailan
mananatili
sa walang hanggang
pagluha
patay na naman ang binata
bago tayo maghapunan (enero 16)
sana'y maintindihan na nilang kahit ngumingiti'y talagang mahirap ang bigat na aking nararamdaman tuwing gabi't lalong dumidilim ang hinaharap
"bakit sinimulan mo na naman sa 'sana’ 'yang iyong biglaang akda? bakit hindi mo kasi siguraduhing bukas ay gigising kang nakamulat na?"
sana'y alam din nilang hindi madali ang maguluhan araw-araw kung anong gusto mong maging sa gasgas nang "balang araw"
"kailan ba matatapos ang iyong mga dahilang nilulumot na, paulit-ulit lamang din naman ang iyong nagiging hantungan"
sana'y wag mo silang sisihin dahil ikaw din naman ang may kasalanan sana'y wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nagawa niyang kasalanan sa'yo
"..."

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
sa pagmamadali ng araw (oct. 20)
ayoko na
seryoso
ayoko na
magpahinga na
lang muna
ang gusto ko
ngayon
utang
na
loob
bago tayo maghapunan (oct. 16)
Tatawid na sana ako papunta sa terminal ng bus pero nagulat ako sa mahabang businang may kasama pang sigaw ng humahangos na drayber ng itim na motorsiklong tumigil sa likuran ng jeep na sinakyan ko.
“Kuyaaaaaa! Baka naman pwedeng pakibilisan at are’y emergency la-ang!”
Walang angkas ang babae kaya hinanap agad ng tsismoso kong mata ang “emergency” na kanyang tinutukoy.
Isang tricycle. Isang tricycle ang nagsisilbing ambulansya sa isang batang walang malay habang inaalalayan siya ng isang matandang babae. Sino kaya ang nanay, tanong ng usisero kong isipan. Ang drayber kaya ng motorsiklo o ang babae sa loob ng tricycle?
Walang tigil sa pag-iyak ang matandang babae. Naaksidente kaya? Wala namang dugo o kahit bakas.
Umalingawngaw muli ang mga busina.
Nagpatuloy ang pakikipagpatintero ang nakasakay sa motorsiklo. Bakas ang luha sa mukha, walang atubili siyang sumiksik sa tagiliran at dumiretso para sigawan din ang mga nasa unahang sasakyan. May kaunting traffic dahil katapat ng terminal ng bus ang isang mall, maraming mga pasahero ang bumababa.
Sinabayan niyang muli ang mahabang busina ng “Emergency! Emergency!”
Nang humupa na ang mga sasakyan sa harapan, inihatid ko ng tingin ang pandalas na arangkada ng tricycle, tila tumatakas kay Kamatayan.
Nagkaroon na ng pagkakataon para tumawid.
“Hindi agad dinala kahapon sa ospital e, ‘di ngay-o’y balais kayo,“ komento ng lalaking kasabay ko sa jeep kanina. Sinundan ito ng pagtawa ng kanyang dalawang kasama. Mga kabarkada siguro.
Napangiwi ako.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung maganda bang kaugalian natin ‘yung nahahanapan natin ng biro ang lahat ng sitwasyon? O ginawa lang tayo nitong mga nilalang na hindi kayang tumayo sa sapatos ng iba.