ilang beses na bang nasaksihan ang paglubog ng araw kasama ka?
ang paghalo ng kulay rosas sa dilaw
ilang beses na bang naghagis ng barya sa tubig?
ang paghiling na sana may katuparan ang lahat
ilang beses na bang nagbihis ng pula?
ang paniniwalang lalapitan ng suwerte
ilang beses na bang nangulila sa’yo?
ang kaisipang sana’y mahagkan ka
ilang beses na bang kinausap ang buwan?
ang makapante sa liwanag na kaya niyang ibigay
ilang kamay na ba ang nagdaan at nahawakan?
ang pagtanong na ganito rin ba ang pakiramdam ng iyo
kapag ba natapos ko na ang pagbibilang
maabutan pa ba kita sa dulo?
ang pag-asam na may sorpresa sana sa huli
ang pagmithi na sana maisipan mong manatili
kahit maikling pagdalaw manlang sa panaginip
ang mahalaga'y maramdaman ka
maglayag man hanggang sa tala
sa’yo pa rin pabalik ang diwa ko
dahil ikaw ang aking lakambini sa talambuhay na ito