Ang kabataan ay ang pag asa ng bayan -Dr. Jose Rizal Kabataan noon anong nangyari ngayon?. Dahil ba sa pagiging moderno ng mundo natin ay sya ring pagbabago ng ating pananaw at layunin? mga kabataan ngayon ay mapupusok, matatapang, walang takot at walang pakialam.Ngayon pabata ng pabata at tila sobrang maagang nahilig sa alak at sigarilyo ang mga modernong kabataan.Kapartner ng yosing hinihitit ay ang walang humpay na inuman.Hindi na madalas naiintindihan ng mga magulang sa tigas ng ulo ng mga kabataang ito na karamiha’y magagaling mangatwiran at rebelde ang panakot kung sakaling mapagsabihan. At hindi lang mga kabataang lalake ang nasa inuman, makikita mo rin ang mga kasing-edaran nilang mga kababaihan.Kung pag-uusapan na rin lang ang uso, uso na rin sa kabataan ang maagang mamulat sa SEX. Mga kabataang animo’y inosente, mga kabataang kung pagmamasdan mo’y ‘di gagawa ng kalokohan pero marunong na pala ng sex o kaya’y mga kabataang babae na hindi nahihiyang magpaskil sa internet ng kanilang halos hubad na larawan. Liberated na nga sila. Asahan mo nang marami sa kabataang ito na maagang nabuntis o nakabuntis ay hindi magiging ganoon kadali ang buhay-pamilya dahil hindi nagawang mairaos ang pag-aaral. Ang tanong, maibabalik pa ba natin ang kabataang pinoy? Ang sagot ko dyan ay OO. Ibalik natin ang mga panahong konserbatibo pa ang lipunan, mga edukadong kabataan at disiplinadong mamamayan. Gawin nating inspirasyon ang ating mga sarili upang tayong mga kabataang nasa tuwid na landas ay kanilang tularan para narin sa ikauunlad at pag babago ng ating lipunan.
Hit like please :)
pa reblog po please and i’ll do the same :)
Pa reblog po please and i’ll do the same :)

















