Text Note
masaya pag magkasama, malungkot na pag mag-isa
ngiti sa mukha ay napapalitan ng luha sa mata
laging nagpapasalamat sa pagmamahal na iyong ipinapakita
lalo na sa panahong ramdam kong ako'y walang kwenta
sana sa susunod na buhay ko sa mundo magtagpo tayong muli
magsamang pang habambuhay at hindi lang sa kaunting sandali
sa mundong ika'y matatawag kong akin at ako naman ay sa iyo
walang ibang mag mamay-ari, ikaw lang at ako
sana ay matupad ang isa sa aking mga pangarap - ang hindi na magsisilbing sikreto
maipagmalaki man lang ako sa harap ng ibang tao
ikaw ang imposibleng gusto kong maging posible
ikaw ang di nararapat pero gusto kong maging pwede
-"Text note 11/16"
















