Minsan, gusto ko itanong sa’yo kung sa mga araw ba na nawawala ako ay hinahanap mo rin kaya ako? Tulad ng pangungulila ko sa’yo sa bawat araw na wala ka, walang minuto na hindi ka sumagi sa isip ko. Pakiwari ko kasi, ni minsan ay hindi mo naman ako hinanap o di kaya ay inalala manlang. Makasarili ba na maituturing ang ka-gustohan na may maghanap o makaalala sakanya sa bawat pagkawala? Marahil ay oo, pero masisisi mo ba ako?






















