Bakit kaya di ko na crush ang crush ko?
Nakakaaliw isipin na sa dinami-dami ng naging crush ko, s'ya ang tumatak sa puso ko. Nandyan 'yong pagnakaw ng tingin, pagtambol ng puso 'pag nakakausap, napapangiti sa simpleng pagkaisip sa kanya. Pero bakit kaya biglang nawala? Yung dating pagnakaw ng tingin, tila asiwa na ako. 'Yong pagtambol ng puso naging normal na pagtibok na lang, imbis na mapangiti ay napapangiwi 'pag naiisip sya. Baka dahil tanggap ko nang may gusto s'yang iba? O baka dahil mas nakilala ko s'ya habang humahanga sa iba? Naisip ko, siguro kung totoo na gusto mo ang isang tao, may malaman ka mang bago sa kanya, hindi magbabago ang nararamdaman mo. Kasi kapag gusto mo, tanggap mo. Siguro nga humanga lang ako. Hindi dahil sumuko na ako na 'di mo ako mapapansin kaya ko na-realize 'to kundi ayoko pa lang may makaalam na iba kung gusto mo ako. Gusto ko ako ang unang makakaalam ng lahat ng pa-cute at pakilig mo. Sayang, akala ko may patutunguhan 'to pero okay lang at least alam kong marunong pala akong makaramdam ng ganito kaya salamat pa din ex-crush.












