Today's Document

Discoholic 🪩

ellievsbear
he wasn't even looking at me and he found me
cherry valley forever
Jules of Nature

⁂
almost home
KIROKAZE
DEAR READER
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
NASA

if i look back, i am lost
wallacepolsom
Sade Olutola

pixel skylines

$LAYYYTER

@theartofmadeline
seen from Bangladesh
seen from Malaysia
seen from Singapore
seen from Singapore
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Indonesia
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@helloartofwonder

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Sa munti niyang mundo, siya’y malayang humahalakhak,
Payapa, at ang ulan ay banayad kung pumatak.
Ngunit may dumating na ang dulot pala sa kanya ay pahamak,
Ito’y lumapit at sinambit ang kanyang mga balak.
Siya’y nagpadala sa pag-aakalang tama pa ang landas na kanyang tinatahak,
Hindi niya sukat akalain na ito pala ang sa kanya’y magpapabagsak.
Isa, dalawa, tatlo.........
Nasugatan ang kanyang mga pakpak.
Siya’y nanlumo sapagkat siya’y pumalpak,
Isang pagkakamali na kanyang tinanggap,
Sa pag-asang siya’y babangon muli at makakasumpong ng galak.
Batid niya rin kasing hindi pa lubusang buo ang kanyang mga pakpak,
Kaya ayos lang na sa pagkakataong ito, siya ay lumagapak.
Ngunit may tila nagsulputang mga boses na pilit gumugulo,
Mga salitang ‘di totoo na sa kanya’y ibinabato.
Dahilan kaya siya’y muling nasaktan, nagmuni-muni at huminto,
Ngunit may isang tinig na nagsabing “Hindi ka ganon anak Ko”.
Isang tinig na nakakaalam ng tunay at totoo
Kaya naman, sa piling ng may ari ng tinig, siya’y pumayapa at natuto.
Tinignan niya ang dahilan kung bakit kailangang iyong pagdaanan,
Para rin pala iyon sa sarili niyang kapakanan.
Kung dumating man ang araw na siya’y subukin na naman,
Alam niya na ang gagawin dahil sa kanyang karanasan.
Minulat niyang muli ang kanyang mga mata,
Maraming bagay ang inilahad at sa kanya ay ipinakita.
Tinuruan siya ng tinig na siya muna’y magpatawad
Nang sa gayon, mga pakpak niya’y malayang mailadlad.
Siya ay lumipad, lumipad nang ayon sa kanyang kapasidad. ‘
Ngunit ngayon, siya ay naging mas maingat, mas banayad.
Landas niya’y hindi na hahayaang kung saan na lang ulit mapadpad.
Ang pagnanais niyang lumago ay natupad,
Siya ay maituturing na mapalad,
Sapagkat ang may ari ng tinig na nagmamahal sa kanya ay walang katulad.
ctto of the photo (from pinterest)
Hindi ko inakala na kaya ko palang harapin ang mga bagay na dati ay kinaiilagan o kinatatakutan ko. Pasensiya kung sa ilang sandali ng aking buhay ay itinanggi Kita. Dati, pilit kong iniiwasan ang mga bagay o usapan na patungkol Sa’yo. Pero dahil grabe yung pag-ibig at habag Mo sa aking buhay, hindi Mo ako hinayaang manatiling magbulag-bulagan. Binuksan Mo ang mga mata ko at ipinakita Mo kung paano Ka naging tapat sa aking buhay kahit na dati-rati minsan lang Kita naaalala.
Salamat at pinaintindi Mo sa akin ang pinakadakilang pag-ibig sa lahat. Iyon ay nang binigay Mo ang sariling buhay para sa akin, para sa mga kasalanan ko. I am indeed nothing without You.
Nakita mo na ba hinahanap mo?
Seek first the Kingdom of God, kapatid.
With God, you’ll find your purpose. And everything in your life will happen according to His will.
ANG NATAGPUANG TUPA
Simula pagkabata, lingid na sa kaalaman ko na may Panginoong Diyos na dapat sambahin. Kilala ko ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, sapagkat lagi ko silang nababanggit sa tuwing ako ay nag-aantanda. Nakikita ko rin ang mga rebulto ng iba’t ibang santo at ang larawan ni Hesukristo sa krus ng kalbaryo sa mga simbahan na aking pinupuntahan. Alam ko rin na binuwis ni Hesus ang sariling buhay para sa aking mga kasalanan, sa kasalanan ng sanlibutan. Ngunit hanggang doon na nga lang ba matatapos ang pagkakakilala ko sa totoong Diyos?
Lumaki ako sa pamilya na may matinding paniniwala at pananampalataya sa pagiging Katoliko, kaya naman ito na ang relihiyong kinagisnan ko. Batid ko na lagi silang sumisimba at ang ilan pa nga sa kanila ay mga aktibong miyembro ng simbahan. Ang dalawa kong kapatid ay isang mang-aawit at tagatugtog naman ang isa. Kaya bata pa lang, madalas na akong napapasama sa mga gawain sa simbahan. Ngunit, tila nagbago ang lahat nang ako ay lumaki. Napansin ko na lumilipas ang araw ng Linggo na hindi ako nakakapagsimba. Ginugol ko ang oras para sa sarili, pamilya, kaibigan, at pag-aaral. Masaya naman akong namuhay noon sapagkat nagagawa ko ang lahat ng gusto ko, ngunit, hindi ko akalain na may mas sasaya pa pala sa pakiramadam na iyon. Hanggang sa dumating sa punto ng aking buhay na hinanap ko ang sarili, ang halaga ko sa mundong ito, sapagkat alam kong may kulang sa akin at hindi ko maintindihan kung ano iyon. Mahirap pala talagang kwestiyunin ang sarili.
Isang araw, inanyayahan ako ng isang matalik na kaibigan na dumalo sa kanilang bible study na ginaganap tuwing Martes ng hapon. Noong una, nag-alinlangan pa ako kung sasama ba o hindi sapagkat ibang relihiyon ‘yun, pero sa huli ay hinayaan ko ang aking sarili na makapakinig ng mga salita ng Diyos. Malungkot mang isipin, gumawa ako ng malaking bakod sa aking puso at sinarado ang isipan sa mga aral na kanilang ipinapahayag. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan, napansin ko mismo ang mga pagbabagong naganap sa aking buhay magmula nang ako ay napalapit kay Kristo at nabahagian ng Kanyang mga salita. Hindi ko sukat akalain na ako ay magiging isang aktibong kristiyano pala at makikita mismo ang kabutihan at pagkilos ng Panginoon sa aking buhay.
Kung iisipin ang mga pagkakamali na aking nagawa noon, makikita na binalewala ko ang Panginoon. Kaya naman napagtanto ko na ang pamumuhay na walang Panginoon ang maituturing kong pinakamalungkot na pangyayari na mararanasan sa buhay ng isang tao. Pero, naniniwala pa rin ako na ang lahat ng tao katulad ko ay may pag-asa na makakilala at maligtas kung tatalikdan lamang ang kanilang mga kasalanan. Maihahalintulad ko rin ang aking sarili sa nawawalang tupa sa talinhaga ng Panginoong Hesus sa Lukas 15. Nakasaad dito na kung mayroong 100 tupa at ang isa ay nawala, handang iwanan ng nagpapastol ang 99 para hanapin ang isang naliligaw. Sapagkat sinasabi rito na higit na magsasaya at magdiriwang ang kalangitan kapag ang isang makasalanan ay natagpuan at tinalukuran ang kanyang mga kasalanan kaysa sa 99 na matutuwid at hindi na nangangailangang magsisi pa.
Sa ngayon, malinaw at naiintindihan kong mabuti ang ginawang pagpapakasakit ni Hesus sa krus. Sapagkat gayon na nga lamang ang pag-ibig ng Ama kaya’t ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak para sa kapatawaran ng kasalanan ng sanlibutan. Anong pag-ibig pa kaya ang makahihigit dito? Wala na Napakabuti ng Panginoon dahil kalooban Niya na ang lahat ng tao ay maligtas, ngunit ang tao nga lang mismo ang gumagawa ng paraan para lumayo sa Diyos. Nunawaan ko rin na totoo ngang sa panahon na ang tao ay hindi tapat sa Kanya, nanatili pa rin Siyang tapat.
Kung dati ay namumuhay ako para sa sariling kalooban, ngayon ay kalooban na ng Panginoon ang aking nilalakaran. Hanggang ngayon, patuloy ko pa ring nasasaksihan at nararanasan ang Kanyang kabutihan at kadakilaan sa aking buhay. Sa Kanya ko rin natagpuan ang tunay kong halaga, Siya ang bumuo sa akin. Dahil sa Kanyang habag at awa, ako ay naligtas at hindi man karapaat-dapat ngunit pinaging dapat Niya.
Credits to google for the pics

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
Si Lord muna bago ang lahat.
Hindi ko naman akalaing ganito na lamang ang magiging epekto mo sa akin. Nagsimula ang lahat sa tuksuhan at kantyawan ng mga kamag-aral natin. Inaamin ko na noong una’y wala akong pakialam. Ngunit, bakit tila ako ngayo’y naaapektuhan? Ang sakit lang isipin na kahit kailanman ay hindi mo ako magugustuhan, ni wala ka nga rin atang pakialam.
‘Wag kang mag-alala, dahil malinaw na ang lahat sa akin. At Simula ngayon ay pipigilan ko na ang aking sarili na lalo pang mahulog sa taong tulad mo.
IKALABING-PITONG KAARAWAN
Ngayong araw ay sumapit ang aking ikalabing-pitong kaarawan. Naging isang normal na araw lang sa ang lahat para sa akin. Ako’y maagang gumising upang maghanda para sa pagpasok sa eskwela. Ngunit nakakatawa mang isipin, at ako’y nahuli pa rin sa klase, Sa pagpasok ko sa pintuan ng aming silid aralan ay bumungad ang aking mga kamag-aral at kumanta ng “HAPPY BIRTHDAY TO YOU...” Napangiti naman ako sa kanilang ginawa. Hays, Birthday ko nga talaga.
Naisip ko na ang araw na ito ay lubos na espesyal para sa akin, kaya nararapat lamang na ako’y maging masaya. Ngunit,bigla kong naalala ang mga pagsusulit na parating na kailangan kong harapin. Nawindang ako sa mga bagay-bagay. : Paano ko kaya magegets yung Physics?”, “Hala! Matatawag nga pala ako mamaya sa recitation sa EAPP”, “Omg, paano yung quiz sa Biology?” Hindi ko alam kung nagbibiro ang tadhana o sadyang nagkataon lang na magkakasunod ang mga subjects na aking nabanggit, dahilan para ako’y lumungkot.
Hindi ko kinain ang tanghaliang inihanda sa akin ni nanay para maokupa ko ang oras ng lunch time sa pagrereview para sa Physics. Sa tingin ko ay mabuti rin naman ang naidulot nito sapagkat naintindihan ko naman kahit papaano. Yun nga lang, lumabas at nakipagsapalaran ako sa Physics nang walang laman ang aking tiyan. Hanggang sa natapos lahat ang mga gawain sa paaralan, nagawa ko ang mga dapat gawin.. Hayst, ang sarap sa feeling na may natapos o naaccomplish ka na something. Feeling ko ay nabunutan ako ng tinik sa mga panahong natapos ko ang mga iyon.
Sa uwian ay nakasabay ko ang isa kong kaibigan, sapagkat siya ay aking niyaya na kami ay samahan sa Bible Study. Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong nalaman mula sa aking ate na kami ay naputulan ng internet, malungkot mang isipin ngunit kailangang tanggapin pa rin. Agad naman akong nagbihis at dinala ang aking laptop upang magtungo kami sa bahay ng aking bestfriend, sapagkat doon gaganapin ang B.S. Habang wala pa at hinihintay pa namin ang tagpagturo, kaming tatlo ay nagsama-sama muna sa kwarto ni bestfriend. Doon ay ginamit ko muna ang laptop at nakisagap sa kanilang wifi. Sa aking pagbubukas ng facebook, bumungad sa akin ang ilang mga mensahe na galing sa aking mga mahal sa buhay.Nakatanggap ako ng pagbati mula sa iilang kaklase, guro, mga kaibigan at kamag-anak. Ako naman ay nag-enjoy sa pagrespond sa kanilang mga bati.
Naganap nga ang bible study at ako ay kanilang binati. Nakakatuwnag isipin nga lang at nagkataon na Tuesday ang birthday ko, sapagkat yun talaga ang schedule ng araw ng aming B.S. Pagkatapos ng aming pag-aaral sa salita ng Diyos, hindi muna agad ako umuwi. Kumain muna kaming tatlo sa bahay ni bestfriend, saka nagkakwentuhan. Maya-maya ay nagchat sa akin ang aking ate na umuwi na raw ako. Agad naman akong umuwi at hinatid muna ang aking kabigan sa sakayan.
Pagbalik ko ng aming bahay, nakita ko na abala ang aking nanay sa pagluluto ng pancit canton, at may ilan akong nakitang tinapay sa hapag kainan. Yun ang simpleng handa na inilaan nila para sa akin. Masaya naman ako sa inihanda nila para sa akin. Thankful ako at binigyan pa ako ni Lord ng another 1 year para mabuhay sa mundong ito.
Gabi na sa mga oras na ito at maya-maya lamang ay sasapit na ang ikalima ng Setyembre, at doon na matatapos ang kaarawan ko. Ngunit bago ito magtapos, hayaan ko munang sabihin ang prayer ko. Ang kalusugan at kasiyahan lamang ng aking pamilya ang pinagdarasal ko sa Panginoon sa kaarawan kong ito. Alam ko rin na Siya ay may nakatakdang magandang plano para sa akin, kaya naman ako’y magtitiwala sa Kanya!
GOODVIBES
Surround yourself with happy people.
Ang saya lang sa pakiramdam kapag puro positive people yung nasa paligid mo. Tipong existence pa lang nila masaya ka na. Sa tawa pa lang nila, nahahawa ka na.
I’m also lucky that I had a chance to meet those kind of people na nagpapagaan ng loob ko. Yung tipong less stress na lang sa school ang mararamdaman mo dahil sa kanila.
Kawawa siya
Kawawa siya, wala siyang mapagsabihan ng problema. Naipon na lahat sa kanya, pati problema ng iba pinoproblema niya. May sarili naman siyang problema, bakit hindi na lang yun ang problemahin niya? Ngayon, siya tuloy ang naiipit. Ayaw naman nila maniwala sayo. Kasi, una pa lang naman talaga tingin na nila sa kanya isa siyang malaking problema, walang kwenta, sakit sa ulo.
Pamilya niya, sana naman pakinggan niyo rin siya. Aminado naman siyaa na may mga bagay na kinaiinisan niyo sa kanya, dahil siyanaman talaga ang may kasalanan. Pero sana naman paniwalaan niyo rin siya minsan kapag sinabi niyang hindi niya kaya ang isang bagay. Kasi lagi kayong pinapangunahan na gumagawa lang siyang dahilan o excuses para hindi niya gawin ang isang bagay. Tapos, alam niyo yung mas masakit sa kanya? Yung binabato niyong masasakit na salita. “Wala kang kwenta’, “Ikaw ata dahilan kung bakit nagkakamalas-malas tayo”, yan lang ang ilan sa mga salitang dumudurog sa buo niyang pagkatao. Hindi niyo alam na naaapektuhan din siy. Minsan nga gusto niya ring magsalita, pero wala na siyang nagagawa. Hindi niyo rin naman papakinggan at ang opinyon niyo lang naman ang mahalaga para sa inyo. Sawang-sawa na siya na maliliit na bagay na pinapalaki niyo.
Para naman sa mga kaibigan niya na may issue. Pasensiya na kung hindi nya maibigay lahat-lahat ng deserve niyo. Bilang kaibigan, alam niyang dapat pinoprotektahan ang bawat isa at handang makinig at umalalay sa panahon na may problema kayo. Pero paano kung naaapektuhan na rin pala siya, hindi niya makaya yung bigat ng mga problema niyo. Tipong umaabot sa puntong siya na yung nagigipit. Mahalaga para sa kanya ang mga kaibigan niya, kaya naman sa panahon na may mga rant sila tungkol sa issue ng kani-kanilang buhay, handa siyang makinig. Pero paano kung pareho niya kayong kaibigan, at kapwa kayo’y nagsasabihan ng hindi maganda para sa isa’t isa, sino ang kakampihan niya? Gulong-gulo, litong-lito at nakokonsensiya na siya. Pareho niya kayong kaibigan at ayaw niya makita na kayo ay nagkakaganyan.Feeling niya tuloy nababackstab niya ang bawat isa sa inyo, sapagkat siya mismo ang napapagsabihan ng mga bagay na kinaiinis sa inyo ng ibang tao. Masakit at mahirap din sa kanya na sabihin sa inyo ang totoo, sapagkat siya ay natatakot na magkagulo, kapwa kayo ay magkakaibigan. Bakit ganon? Bakit ang hirap-hirap na maipit sa gitna? Sa ngayon siya na ang may malaking problema, at ang mas malungkot pa ay wala siyang mapagsabihan nito. Kawawa siya, kawawa talaga siya.

Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
Free to watch • No registration required • HD streaming
WALANG KWENTA
Naranasan mo na ba maging walang kwenta? Ang sakit lang sa feeling at nakakakonsensiya kasi wala kang magawa. Ang hirap lang kasi wala kang maitulong sa kanila, sa mga kagroupmates mo, dahil limited lang masyado yung alam mo.
Bakit ba kasi ang bobo ko sa English? Tipong gagawa na nga lang ng essay, ‘di pa sure kung tama ba grammar ko. Isa pa, sobrang babaw lang ng English vocabulary words ko, kaya yung mga gawa kong essay o kung ano pa man, ayun wala ring kwenta. Kanina lang naggawa kami ng artwork criticism, by group yun. Ang galing ng mga kagroup ko, lahat sila nagpafunction. Nagtry naman ako na makisabay sa kanila at magsuggest pero masyado silang magaling. Ibang iba- yung way ng pag-iisip nila sa akin. Sila sobrang taas, samantalang ako sa baba lang. Wala tuloy akong naiambag masyado sa kanila, hiyang-hiya na ako. Kita ko sa mga mata nila yung frustration na naging kagrupo nila ako, dahil yung simpleng word na binigay nila sa akin hindi ko pa mabigyan ng synonyms.
Bukas, magtatagpo na naman ulit ang aming mga landas, at ayaw ko na maramdaman muli ang kalungkutang nadama ko sa araw na ito dahil sa pangyayaring iyon. Sana naman kinabukasan ay magkaroon na ako ng silbi.
Bakit ba pinagkaitan ako ng kagalingan sa wikang Ingles? Ito ba ay sa kadahilanang mas nais kong tangkilikin ang mga gawang atin? Ako ay isang dakilang tagahanga ng mga Pilipinong pelikula. Ako nama’y maaasahan sa pagbabasa ng libro, ngunit, kung ito’y nakasulat sa wikang Tagalog lamang. Siguro ang mga kinagawian at kagustuhan kong ito ang naging dahilan upang ako’y hindi dumunong sa Ingles. Pero...
Pero bakit nga ba ganon? Bakit ang karunungan ng isang tao ay binabatay sa kakayahan na makapagsalita ng mahusay at purong Ingles?Ganito na nga ata talaga ang batayan sa lipunang aking kinagagalawan. Kaya nga minsan ako’y napapatanong na rin sa aking sarili. Kailan nga ba mahahasa ang aking galing? Ito lamang ay kung nagtataglay nga ba talaga ako ng galing.
Final Thoughts: Ako man ngayo’y nangangapa sa dilim, naniniwalang liwanag ay makakamtan din. Ang pagbanggit ng wikang Filipino ay patuloy kong iibigin, ngunit hindi rin naman iwawala sa aking isip na ang pag-aaral ng Ingles ay mahalaga rin.
Failure
Hindi talaga maiiwasan sa buhay natin na pumalpak tayo. Tulad na lang nang pagkalumo ko sa first assessment namin sa Physics. Yung tipong mahihiya ka kasi ang baba- baba ng grade na nakuha mo, kulang na lang itago mo sa kailalalim-laliman ng bag mo yung papel na binigay sayo. Narito ang ilan sa mga tanong ko nung araw na napasakamay ko na ang long pad ko na may score na 11/40. Huhuhu
Bakit ba kasi hindi ko masyadong inintindi yung mga based at derived quantities na yan?
Bakit ba hindi ako nagbasa ng notes? Imbes, nangapitbahay ako sa ibang section at nakipagdaldalan hehehe.
Bakit ba hindi na lang ako nagstay sa room namin? Edi siguro may nalaman akong source tungkol sa coverage ng test.
Bakit ba sa pagsosolve lang ng scientific notation at unit conversion lang ako nagfocus? Aaminin ko, hindi talaga ako magaling sa computation o kung ano pa man na may kinalaman sa numbers. Pero alam mo ba yung mas masakit? Yung tipong don ka na nga lang sure sa mga naisagot mo, kaso nagkamali ka pa ng unit sa final answer. Bakit ba kasi ako nasanay na gamitin ang unit na meter? Hays, better luck next time na lang siguro.
So, yan nga ang mga panghihinayang ko noon. Kaya naman I made a promise to myself na sa next topic sa Physics ay iintindihin ko na talaga. Sadly, tungkol sa scalar at vector ang discussion. Okay na sana eh, alam ko na yung vector ay may magnitude and direction tapos yung scalar ay magnitude lang. Kaso, may vector computation. Noong una talagang nagbigay ng example si sir ng given, clueless talaga ako eh. Hays, ang hirap nang mahina ka sa Physics. Pero as time goes by at nagbibigay si sir ng iba’t ibang klaseng problem, nauunawaan ko na naman kung paano magsolve.
Lately lang nagkaroon ulit kami ng assessment sa Phyiscs at tungkol na nga yun lahat sa vector. Narinig ko sa ibang section na mahirap daw yung mga given. Eh ang problema ko pa man din ay yung pag-aanalyze sa problem, ang hina ko ron uy! Naisip ko na lang na paano pa kayo hahabol ang onse kong score noong last assessment? Fast forward sa day ng examination. Ayun, nastress nga ako sa mga given, kasi nahihirapan akong mag-analyze. Why is that? Edi ang ginawa ko na lang ay isinulat ko na lang nang isinulat ang mga possible na computation don.
Kasalukuyan na hindi ko pa rin alam ang result ng test na yun, pero one thing I learned is that accept the reality. Ano man ang makuha ko ron, iaaccept ko nang buong puso, walang regrets. Alam ko sa part ko na ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, doon pa lang contented na ako.
Nelenie’s Thoughts: Okay lang magfail, part na yun ng pagiging imperfect na individual. Ang importante ay may natutunan ka sa experience na yun na maiaapply mo sa sarili mo. Pwedeng madapa ka ngayon, pero maniwala ka na laging may pag-asa para bumangon. Kaya sa mga katulad ko na nagfail sa isang bagay, mapasubject sa school o kung ano pa man yan, there’s always good in failure. Tandaan mo rin na hindi kailanman mababawasan ang worth mo bilang isang tao dahil lang sa isang pagkakamali. Before I end this blog, I’ ll leave a quotation here na nakuha ko mula sa discussion namin last week sa Philosophy.
“FAILURE IS AN EVENT, NOT A PERON.”
FIND YOUR PURPOSE.
Mahigit 7.2 billion ang populasyon ng tao sa mundo na iyong ginagalawan. Bawat isa sa inyo ay may kakayahan, talino, talento sa iba’t ibang klase ng bagay. Maswerte ka kung maaaring nahanap mo na iyon, ngunit may ilan pa ring naghahangad na ito ay matagpuan. Kaya kung sa tingin mo ay may iilang parte pa sa ‘yong katawan na gusto mong punan, at kung patuloy ka pa ring nalilligaw sa paghahanap ng tamang daan, basahin ang mga susumusunod na pahayag:
1.Discover yourself. Mahalagang kilala natin ang ating mga sarili. Hindi yung literal na kilala na dapat alam mo ang pangalan, birthday, saka age mo ha. Kasi dapat na alamin mo kung ano ang gusto mo, yung passion at dinedesire ng heart mo. Maaaring interesado ka sa arts, music, academics, sports,etc. Pwede rin naman na may talent o skills ka na sa ibang bagay, pero hindi mo lang masyadong napapagtuunan ng pansin, Kung ganyan ang sitwasyon mo, bigyan mo naman kasi ng pansin bes, malay mo kayo na pala ang nakatadhana sa isa’t isa.
2. Find time for yourself. Syempre kung hahanapin mo sarili mo, kailangan mo maggugol ng oras para dito. So, dapat na bigyan mo ng oras ang sarili mo para makapagnilay-nilay. Ano nga ba ang pagninilay? Base sa naaalala ko sa aming ESP subject noon, ito yung ginagawa ng isang tao para makapag-isip ng malalim, Sa paraang ito, mapapag-isipan mo kung ano ang magiging consequences ng mga bagay na paplanuhin mong gawin. Kaya kung magninilay ka, pagnilayan mo na ang mga bagay na gusto mong gawin. Katulad ng “ Paano kaya kung magyoutube na lang ako, tutal nag-eenjoy at naiinspire ako every time na makakanood ako ng vlogs.” Kasi believe me or not, malaking bagay talaga yung nagagawa at magagawa ng mga desisyon na gagawin natin para sa ating life, Kaya naman always spend time improving yourself, kaya mo yan!
3. Accept the fact that you are still in the process. Kaya mo nga hinahanap sarili mo kasi may nawawala, diba? Kaya para mahanap yun, tanggapin mo muna nang maluwag na ikaw ay nasa proseso pa lamang. Kapag sinabing proseso, kinakailangan na magsimula sa maliit na bagay. Kaya huwag kang mainip at mag-alinlangan kung ipagpapatuloy mo pa ba o hindi ang pagdiskubre sa iyong pagkatao. ‘Wag kang sususko, laban lang bes!
4. Don’t compare yourself to others. Isa ‘to sa mga importanteng bagay na dapat mong itatak sa iyong isipan. Magkakaiba ang lahat ng tao, meron mang ilang pagkakatulad, believe me wala kang makikilala na katulad na katulad mo. Iba siya, at mas lalong iba ka. Sa totoo lang, alam kong hindi madali na maiwasan mong maikumpara ang iyong sarili sa iba, kasi naman may mga mata tayo na nakakita ng kagandahan sa ibang bagay o sa ibang tao. Minsan ko na ring natanong sarili ko na “ Bakit ganito lang ako?” at napapaisip na, “Buti pa siya napakatalented niya.” Sa puntong ‘yon, nakakalungkot isipin na minaliit at najudge ko na ang aking sarili at kakayahan. Kaya naman narealize ko na hindi natin maiiwasan na may mas magaling sa atin at kailangan natin iyong tanggapin. Base sa aking personal na karanasan, marami ka talagang makikilala dito sa mundo na punong-puno ng talent sa buhay, yung iba nga mga kasing age mo lang kaya mapapasabi ka talaga na, “Sana ako rin.” Ganon ka rin ba? Well, tingin muna tayo sa bright side bes. Appreciate yourself, maniwala ka sa sariling kakayahan mo. Ginawa tayong unique ni Lord, kaya magtiwala ka na may unique kang talento. So, ang point ko lang naman dito ay baka kaya wala ka ng mga bagay na meron siya, ito ay dahil magkaiba kayo ng purpose.
5. Believe. ‘Wag kang mawawalan ng pag-asa, maniwala ka. Maniwala ka na mahahanap mo rin ang purpose mo sa mundong ito. Most importantly magtiwala ka sa special character na makikita mo sa number 6.
6. Seek God first. Bukod sa sarili mo, si God lang ang no.1 na makakatulong sa’yo. Ayon nga sa Ephesians 1:11-12 “ I chose you when I planned creation.” isa ka sa masusuwerteng nilalang dito sa mundo, dahil kasama ka na agad sa plano ng Panginoon. Naniniwala ako na bago ka ipinanganak ay binigyan ka na ng purpose ni Lord, Ito pa ulit ang isang bible verse (Proverbs 19:21) sabi dito na,” You can make many plans, but the Lord’s purpose will prevail.” So, kahit ano pang gawin mong pagpaplano para sa buhay mo, ang plano pa rin sayo ni Lord ang masusunod. Kaya naman ipagpray mo na sa Kanya na ilead ka na Niya sa iyong purpose, dahil siya mismo ang gumawa noon para sayo. God bless you.
Nelenie’s Thoughts: Sa tingin ko, hindi talaga maiiwasan ng isang tao na hanapin ang kanyang purpose sa mundo. Lahat tayo ay gumagalaw ayon sa ating purpose. Baka hindi mo lang alam na nakakapagpasaya ka pala sa ibang tao, na ang existence mo ay nagmamatter sa kanila. Doon pa lang, may purpose ka na eh. Hindi lang sa talento o natatanging kakayahan nakikita ang purpose o kahalagahan ng pagkasilang mo sa mundo, dahil ito ay nakikita mismo sa iyo! Maganda at meaningful ang mundo dahil sa’yo! Kaya naman sa mga katulad ko diyan na patuloy na naghahanap,ito ang gusto kong ibahagi sa inyo: Tandaan niyo na okay lang na panandaliang mawala at hanapin ang sarili, ang mahalaga ay makabalik nang buo at may tiwala na ikaw ay gumagalaw ayon sa plano ng Panginoon. Maraming salamat sa iyong pagbabasa, nawa ay mahanap mo ang sarili mo sa pamamagitan ni Lord.
Dito Nagsisimula ang Aking Kabanata.
Siguro nga dito na magsisimula. Matagal-tagal ko na rin itong hinanap, kinailangan pang mawala sa sarili upang ito’y tuluyang maisakatuparan.