Muling nagsalita si Pedro, “Hinding-hindi ko pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa!” Ngunit sinabi ni Jesus, “Malibang hugasan kita, wala kang bahagi sa akin.”
Bago simulan ang Huling hapunan, pinangunahan ni Jesus ang ritwal na paghuhugas ng mga paa ng kanyang mga alagad. Kabilang ito sa mga tradisyon at kaugalian ng mga Hudyo na kapag dumarating ang isang panauhin, lalo na at mula sa isang malayong paglalakbay, nag dadala ang isang alipin ng tuwalya at tubig na maipanghuhuhgas sa mga paa ng panauhin.
Ang tagpong ito ay maitututuring nating kakaiba sapagkat hindi ang alipin ang naghugas ng paa ng kanyang panginoon. Ang Panginoon mismo ang naghugas ng paa ng kanyang mga alagad. Isang bgay na ikinagulat ng labindalawa at lalong higit ni Pedro na halos ay tumangging tumanggap ng ganitong paglilingkod.
Anu nga ba ang mga katangian ng isang Lider na Tagapaglingkod (Servant-Leader) na makikita natin sa tagpong ito?
1. Pag-ibig ang nag-uudyok na maglingkod sa kapwa . v.1
Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa daigdig, at sila'y iniibig niya hanggang sa wakas.
Ang pinakamainam na motibasyon ng isang tagapanguna sa kanyang paglilingkod ay walang iba kundi pag-ibig. Sapagkat ang mga tagasunod kung minsan ay mayrong mga pagkukulang at mayroong katigasan ng ulo sa pagsunod sa mga iniaatas na gawain, hindi ito mauunawaan ng isang tagapanguna kung siya ay walang pagmamahal.
2. Mayroong sapat na kasiguruhan sa sarili kung kaya't nakapaglilingkod sa iba. v.3
Nalalaman ni Jesus na ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya'y mula sa Diyos at babalik sa Diyos.
A. Nakikilala ni Jesus ang kanyang posisyon at hindi Siya nangangambang ito ay mawala.
B. Alam Niya ng kanyang pagkatawag at Siya ay nananatiling ito ay matupad.
C. Nababatid niya ang kanyang hinaharap at handa Siyang pangyarihin ito.
3.Naglilingkod na  kahit ang iba ay hindi pa. v.4-5
Kaya't siya'y tumayo mula sa hapag, nag-alis ng panlabas na balabal at nagbigkis ng tuwalya sa baywang. Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at pinunasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanyang baywang.
Hindi Siya nag-atubiling manguna sa isang napakababang gawain ng isang tagapaglingkod. Ang kanyang paglilingkod ay walang sinusukat na katatayuan. Nanguna na Siyang maglingkod sa mga sitwasyong wala pang nakakaisip na makagawa.
4. Hinahayaan ang iba na siya din ay mapaglingkuran. v6-7
Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito. Sabi niya, Panginoon, kayo ba ang maghuhugas ng aking mga paa? Sumagot si Jesus, Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.
Ang isang lider ay nakahnda din namang tumanggap ng paglilingkod mula sa kanyang kapwa lider. Minsan ay nagkakaroon tayo ng mataas na pagturing sa ating sarili kung kayat nahahadlangan natin na tayo din ay tumanggap ng paglilingkod mula sa ating kapwa lider. Tandaan natin na sa pagtatapos ng Araw, tayong lahat ay manggagawa sa iisang ubasan. At kapwa tayo naglilingkuran sa isa't -isa sa ilalim ng pamamahala ng nakatataas sa atin.
5. Nagtuturo at isinasabuhay ang itinuturo. v15
Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan.
Nagiging mahusay na tagapanguna ang isang lider na ang kanyang binibigkas ay kanya ring nilalakaran. Sapagkat tunay na ganap ang kanyang halimbawa kung ito ay umaayon sa mga gawi na naikikita ng tao sa kanya. Nagbigay ang Panginoon ng halimbawa sa mga alagad na ngayon ay ipinapasa sa mga henerasyon at patuloy na isinasabuhay ng kanyang tunay na mga anak.Â
Paano natin ipinapamuhay ang halimbawang itinuro sa atin ng Panginoon patungkol sa pagiging isang lider na nanglilingkod?
-isinalin sa Wikang Filipino mula sa “The art of the Basin and the Towel, John Maxwell”