Sa kabila ng katotohanan na ang koronang tinik ay nagdudulot ng matinding sakit, higit na layunin ng mga gumawa nito na si Jesus ay ilagay sa higit na kahihiyan kaysa dulutan ng pasakit. Isinagad na nila ang pambubuyo sa pamamagitan ng paglalagay ng balabal, pag-aabot ng tangkay ng tambo at pagpuputong ng korona. Niluhod luhuran at kinutya sabay sigaw ng mabuhay ang Hari ng mga Hudyo.
Para sa mga Kristiano, simbolo ng Korona ang dalawang bagay: 1. SI Jesus ay Hari at nananatiling Hari (Pahayag 19:16) Ang itinuturing na kabaliwan ng mga Romano, sa tunay nitong kahulugan ay isa sa dalawang mukha ng kanyang paghahari, ang nagdurusang lingkod (Isais 53) at ang matagumpay na Paghahari (Pahayag 19) 2. Hinayaan ng Panginoong Jesus ang lahat ng pasakit, panunuya at kahihiyan,para sa ating kapatawaran ng kasalanan.
Ayon sa Genesis 3:17-18, Isinumpa ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, magmumula ang pagkain, mga damo at tinik ang aanihin.. Â Hindi alam ng mga Romano na kasama ang tinik sa mga bagay na isinumpa at ito ay inihugis ang isang korona upang mahugasan ng dugo ang tinik at mapawi ang sumpa. Ayon sa Galacia 3:13, Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng siya ay isinumpa para sa tin.. Tunay nga na ang biyaya ng lupa na nasumpa ng magkasala ang mga uang to ay tinubos na upang ang mga sumpa sa lupa ay ganap ng malagot. Salamat sa kamatayan ni Jesus!










