LIFE BEGINS at 30!
Hi Tumblr, namiss kita. Pasensya na ngayon lang ulit makakapagpost. Sobrang busy kasi sa buhay, madaming ganap, madami ring nabago. I just want to immortalized this day through this medium ngayong 30 years old na ako. Yes tumblr, 30 years old na ako, nasa kalahati na ako ng lifespan ko. Masaya lang ako kasi kahit papaano medyo nakakaraos pa rin sa buhay. May trabaho, natutulungan ang pamilya at nakikita silang masaya, masaya na rin ako.
Today is very special day for me. Pero feel ko parang di ko birthday, hindi ko randam. I was expecting my girlfriend to greet me a touchy greetings pero wala 😂 Pati mga kapatid ko napansin din na ganun nga walang pabati akala tuloy nila nag aaway kami 😂 Pero sa totoo lang po nagkatampuhan talaga kami, naasar kasi ako. Kinakausap ko siya tapos hindi siya naiimik, ayaw niya makipag usap kahit tinatawagan ko siya ayaw niya magsalita, parang nakikipag usap ako sa multo. Ang hirap intindihin, ayaw niyang sabihin kung ano problema niya sa akin. Hanggang sa hinayaan ko na lang din siyang ganun. Sinusuyo kaso ayaw magpasuyo at pinapaabot niya ng ilang araw (1 week no communication). Sa lahat ng ugali niya yun ang pinakaayaw ko. Lagi ko naman sinasabi sa kanya na communication ay isa sa pinakaimportante sa lahat pero palagi pa rin siyang ganun. Iniisip ko nga how much more kung nagkaproblema kami ng higit pa dun, sa mga mabababaw na problema na nga lang hirap ng makipag ayos sa mahihirap na problema pa kaya? Sana nga ma overcome. Miss na miss ko yung dating siya. Yung lagi kaming kumakain, yung lagi kaming mag usap, yung masayang nagkwekwentohan, lahat, I miss everything, sana bumalik na sa dating siya. Pero sa totoo lang bumati naman siya through messenger but not that sweet anymore. Hindi na rin siya nag ii love you, ewan ko ba, maybe she's still coping up sa pagkawala ng pera niya. I'm still trying to understand 😒 o naninibago lang siguro ako. I miss her so much 😔😔😔
Pero so far so good naman basta mairaos kahit papaano ang kaarawan. I managed to celebrate it with my workmates (Pag-asa) and my girlfriend (Steak House Xin Feng)
For the last few days I'm feeling tired and weak, hindi ko alam. Madami kasing pumapasok sa utak ko sabayan pa ng stress, insomia and pagod sa trabaho. Evidence is yung pagdami ng uban ko sa ulo 😂 Parang gusto ko na ngang mamatay that time eh, pero iniisip ko pamilya ko at yung mga taong nagmamahal sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip yan. Depression lubayan mo ako, pleaasssee! #fighting
Eto nga, hanggang naisip ko maging positibo na lang sa buhay, ang maging masaya ng masaya at iwasan na lang ang mga negative thoughts. Nangyayari talaga sa buhay natin na kahit ginawa na natin lahat may failure pa rin sa na darating, maparelasyon man eto sa kaibigan, trabaho, pamilya o sa partner natin. We can't please everybody na kahit anong tulong mo sa kanila at anong klaseng pagmamahal ang naibigay mo, nagkamali ka lang, the good deeds will be ignored. Magbabago ang pakikitungo nila sayo. They can't even appreciate what you have done to them. Joke lang to 😂😊, pero I want to thank them kasi kung hindi sa kanila hindi ako magiging kung sino ako, hindi ko mappractice ang patience ko at hindi nila makikilala kung sino talaga ako. #attractpositivity 😂
Thank you Tumblr, kahit matagal na kitang hindi na uupdate, nandiyan ka pa rin, napapagsabihan pa rin kita ng problema when no one else is around. Ikaw lang ang natatakbuhan ko kapag may problema, kapag masaya, kapag may confession at iba pa. Sana ngayong bagong chapter ko buhay 30's ko anjan ka pa rin. Hindi magsasawang makinig. Lahat na lang ng kilala ko nagbago, pero ikaw hindi 😊
Happy Birthday to me ❤😂
Sana lahat ng pagsubok sa buhay makakaya with your help ☝️☝️☝️
Thanks to the gift of life, love, family, friends and work!














