Pag kagising mo andyan pa din yung sakit, sakit na parang palabas sa tv na paulit-ulit, sakit na gusto mong wakasan pero hindi mo maumpisahan, bakit? Bakit nga ba tayo nagmamahal ng taong sinasaktan lang tayo? Bakit ang hirap, bakit ang sakit, ang sakit lumimot sa isang bagay at tao na kahit minsa'y hindi mo inisip na sasaktan ka ng ganito, hindi mo alam kung saan patungo yung sakit na nararamdaman mo dahil sa kabila ng lahat, mahal mo pa din yung taong sanhi nito.












