"แแแแ "
Simoy ng hangin na kay sarap at musika na siyang dagat ang may gawa. Hele na dala ng mga alon. Malamig na hangin na dumadampi sa bawat parte ng aking katawan. Ibat-ibang tanawing makikita sa bawat pag-ikot ng mga mata. Totoong makapigil hininga kahit isipin lamang ito.
Sa mga pagsubok at problema na aking nasasalubong, hindi ko talaga inaakala na ang kaisipan pa lamang ng pagtatampisaw sa tabing-dagat ang makakapagpatakas saakin sa magulong mundo na ito. Aking pahinga.
ni:Jhazrelle Pauline Fajardo 10-Beryl
















